Ang K+12 sa Edukasyon ng Pilipinas

Kasalukuyan ng ipinapatupad ng pamahalaang Aquino ang programa nitong kung tawagin ay K+12. Ito ay ang pagdaragdag ng taon sa Basic Education ng bansa. Sa programang ito ay hindi na tatanggapin sa unang grado ang batang hindi nag-kinder bilang unang hakbang sa pagpapatupad nito. At ang isa pa ay ang dalawang taong dagdag  sa high school na ibig sabihin ay magkakaroon ng tinatawag na Senior High. Sa loob ng dalawang taon sa Senior High ay maaaring mamili ang isang estudyante ng kanyang espesyalisasyon na Technical/Vocational course o isport at iba pang pagpipilian.

Ang programang ito ay naglalayong mapataas ang kalidad ng edukasyon ng bansa. Ang Pilipinas na lang kasi ang bukod tanging bansa sa Asya ang may pinakamababang bilang ng taon sa Basic Education. Suportado ang programang ito ng ilang sektor tulad ng mga nasa negosyo. Sa ganitong paraan diumano ay maari ng makapagtrabaho ang mga Pilipino kahit high school lang ang tinapos.

Napakalaki ng problema ng bansa pagdating sa edukasyon. Sa mga pampublikong paaralan pa lamang ay masyadong siksikan sa mga silid. Bukod sa walang maayos na bentilador ay hindi na rin matutukan ng maayos ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa sobrang dami. Ganito ang sitwasyon sa Metro Manila.

Naiiba naman ang kwento pagdating sa mga malalayong lugar sa bansa. Naririyan ang mga estudyante na maraming oras ang ginugugol sa paglalakad ng ilang milyang layo makarating lang sa paaralan. Mas malala pa sa iba, dahil tumatawid pa sa ilog at peligro ang inaabot tuwing umuulan dahil sa rumaragasang baha. Mayroon ding dagat pa ang nilalangoy. Ganito kahirap ang dinaranas nila para lang makapagtapos sa elementarya at high school. Kung mahina-hina ang loob ay napipilitan na lang silang tumigil. Ayon na rin mismo sa Kagawaran ng Edukasyon ay malaki rin ang kakulangan ng mga silid, aklat at guro sa bansa. Sa kabila ng maraming tapos at lisensyadong guro ay may kakulangan pa rin. Inirereklamo rin nila ang mababang pasahod sa mga guro. Taon-taon rin ay naglilimbag ng aklat pero kinakapos pa rin. Ang matagal ng problemang ito ng bansa ay matagal ng pinagpasa-pasahan ng ilang nagdaang administrasyon.

Sa pagpapasimula ng Pamahalaang Aquino sa K+12 program na ito ay mistulang dinadagdagan lang ang problema sa edukasyon ng bansa. Napakaganda ng layunin nito pero tulad ng ibang programa ay hindi naman naaangkop ang pagpapatupad nito. Bakit kaya hindi muna unahin ang mga kasalukuyang pagkukulang ng pamahalaan sa kasalukuyang suliranin. Kumpletuhin ang mga kulang na silid paaralan. Magbigay ng mga aklat na tama ang nilalamang impormasyon. Magdagdag pa ng mga guro at dagdagan ang kanilang sahod at benipisyo.

Hindi dapat gumaya ang Pilipinas sa ibang bansa na dinagdagan ang bilang ng taon sa pag-aaral upang tumaas lang ang kalidad ng edukasyon. Hindi nasusukat sa dami ng taong pinasok sa eskwelahan ang katalinuhan ng tao. Kaya namang matutunan ng mga Pilipino ang dapat na matutunan sa kasalukuyang umiiral na sistema. Ang katunayan dito ay ang mataas na kalidad ng edukasyon sa mga pribadong paaralan. Dahil ito ay suportado ng mga kagamitan at tamang pagtutok sa pag-aaral ng mga bata ng kanilang magulang. May mga nananalo pa ngang estudyanteng Pilipino sa mga patimpalak sa ibang bansa.

Kung dadagdagan ng taon ang pag-aaral ay malulunasan ba nito ang kahirapan? Mababawasan kaya nito ang mga drop out? Kung sa ngayong sistema pa nga lang ay marami na ang drop out ay paano na kaya kapag tuluyan ng ipinatupad ito. Kahit sabihin pang libre ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay gumagastos pa rin ang mga magulang sa mga pang-araw-araw na baon ng mga bata. Ibig sabihin nito kapag dinagdagan ng taon ay panibagong dalawang taon din ang dagdag pahirap sa mga magulang. Ang sinasabing para makapagtrabaho na kahit high school lang ang tinapos ay hindi rin totoo. Sa kasalukuyan, kahit may mga tinapos sa kolehiyo ay hirap makahanap ng trabaho. Karamihan dito ay mga nagsipagtapos ng Nursing.

Bakit hindi baguhin ng pamahalaan ang paglunas sa problemang pang-edukasyon ng Pilipinas. Halimbawa nito ay ang malawakang pagpapatupad ng distant learning sa mga malalayong lugar. Nandiyan na ang teknolohiya ng Internet. Maaring sa halip na araw-araw na pasakit sa pagpasok sa eskwelahan ay gawing lingguhan na lang. Pwede ring gamitin ang telebisyon sa pamamagitan ng paggawa ng mga educational channel na panonoorin ng mga bata na kasabay ng turo sa aktwal na panahon sa paaralan. Marami pang alternatibong paraan ang naghihintay na linangin para makatulong sa pag angat ng edukasyon ng Pilipinas. Nagagamit na ito sa ibang bansa.

Ang K+12 ay hindi sagot sa suliranin ng bansa pagdating sa edukasyon. Ito ay dagdag problema at walang malinaw na direksyon at hindi napapanahon. Huwag na sanang gawing mas komplikado ang problemang ito sa pamamagitan ng isang solusyong sa huli ay magiging dagdag pa pala sa suliranin.

Basahin rin ang Ingles na bersyon ng artikulo sa ibaba:

K+12 Education Program: Solution to the Problem or Another Problem?

About these ads

  1. #1 by bethel joy Mandap on Pebrero 8, 2012 - 7:49 hapon

    kung ano pa ang ibang programa sa kasalukuyan

  2. #2 by Di-Nagpakilala on Marso 6, 2012 - 4:15 hapon

    ah hindi ako sang-ayon sa K+12 program sapagkat

  3. #3 by arriane joyce on Marso 12, 2012 - 8:41 hapon

    para sa akin kalahating sang ayon at kalahating hind dahil mas madadagdagan ang ating kaalaman pero hnd nmn sapat ang budget ng mga magulang …

  4. #4 by Di-Nagpakilala on Marso 25, 2012 - 1:58 umaga

    ANO ANO PABA ANG MGA PROGRAMA NG ATING PANGULO

  5. #5 by nonie on Abril 7, 2012 - 11:06 umaga

    ms. joyce ..mas makakatulong sa mga magulang ang k-12..ito ang maghahanda sa bata para kung sakaling wala siyang kakayahang magpatuloy agad ng kolihiyo pagkatapos nya ng grade 12 magkkaroon cya ng chance na makahanap agad ng trabaho dahil nai-ready na cya ng k-12 program..and by the way ang k-12 program ay libreng edukasyon sa lahat ng batang pilipino. kaya ang gastos ng magulang ay baon at pamasahe lang..malamang pagdating ng grade 11 at 12 nya me mga projects na..ang magkakaproblema dyan ang mga private universities dahil mawawalan cla ng enrolees sa school year 2018-19.

    • #6 by bayangpilipinas on Abril 7, 2012 - 2:57 hapon

      Tama..mahirap ang magiging transisyon. Saan papasok ngayon ang mga Senior High sa High school pa rin ba o sa mga college school? Kung sa mga college schools hindi sila lahat magkakasya dahil alam nama ng lahat na kakaunti ang mga state universities at college ng bansa para iaccommodate sila lahat. Kung sa High School pa rin sila papasok wala na rin silang classroom. In short kailangan ng gobyerno na magpagawa ng mga bagong classroom na kung saan sa kasalukuyan pa lang ay libo pa rin ang kakulangan nationwide, paano pa ang mga silya at sino ang magtuturo sa kanila..masyadong komplikado ang magiging sitwasyon.

      Bakit kaya hindi muna unahin ang kasalukuyang kakulangan sa mga classrooms na pinagdaanan na ng ilang mga naging pangulo. Suggestion ko lang sana na imbes na Senior High ang itawag ay bakit hindi na lang Pre-College kasi kapag Senio High, High School grad ka pa rin. At saka bababa kaya ang qualification pagdating sa educational requirement kapag naghahanap ka na ng trabaho? Mas preferred pa rin ng employer ang tapos sa college kumpara sa Senior High grad. At totoo kayang magiging three years na lang ang degree course? palagay ko hindi dahil mawawalan ng kita ang mga private school.

      Ang daming katanungan at komplikasyon sa pagpapatupad nito.

      Maraming salamat po sa inyong lahat na nagkomento

  6. #9 by Sir Owel on Mayo 31, 2012 - 8:53 hapon

    Edukasyon ang Solusyon sa Kahirapan. Ang K to 12 ay isang hamon lamang para sa ating mga Pilipino. Bago tayo mag reklamo at tuligsain ang programa, bakit hindi muna natin subukan? Totoong kulang sa classrooms, guro, libro at mga upuan.. Pero dapat din nating malaman na kulang din ang kalidad ng Edukasyon. Ang hangarin lamang siguro ng Pamahalaan ay tugunan ang huling kakulangan. Napakaraming magagaling na guro, pero kahit sila nakukulangan sa panahon ng pagtuturo ng basic education. Para sa kabatiran ng ilan, noong 2010 binago ng Gobyerno ang approach ng pagtuturo sa mga pampublikong paaralan, tinawag yun na UbD or Understanding by Design (SEC 2010) kahit maraming eskwelan ang hindi pwedeng gumamit ng approach na ito dahil sa kakulangan ng guro at silid-aralan itinuloy pa din ito ng gobyerno… Ang mga mag-aaral na produkto ng UbD ay ang mga batang nasa ikalawa at ikatlong taon na ngayong pasukan (S.Y. 2012-2013) Ngunit karamihan sa kanila ay produktibong mag aaral. Ipinaunawa kasi sa kanila na ang sinasabing kakulangan ay hindi hadlang para sa isang maayos na edukasyon. Mahirap na sitwasyon ang haharapin ng mga guro ngayong pasukan, siguro naiintindihan ako ng ilan sa kanila. Tatlong Kurikulum kasi ang iikot sa buhay nila. Ang BEC para sa 4th year, SEC 2010 para sa 2nd and 3rd year at Enhanced BEC para sa Grade 7. Pero alam ko kakayanin ito ng mga gurong Pilipino. Ngunit mga mahal na Guro tandaan po natin na ang K to 12 ay magiging mabisa lamang kung ang pagtuturo ay galing sa puso. K to 12 Para sa Diyos at Para sa Bayan. Mabuhay ang Bawat Gurong Pilipino.

  7. #11 by pamajanxssh on Hunyo 4, 2012 - 6:08 hapon

    hindi ako sang ayon

  8. #12 by Di-Nagpakilala on Hunyo 12, 2012 - 7:08 hapon

    SANGAYON AQ SA K+12 UPANG DUMAMI ANG KAALAMAN NG MGA KABATAAN D2 SA PILIPINAS

  9. #13 by joshua on Hunyo 16, 2012 - 5:51 hapon

    hindi rin ako sang ayon poeh ;p

  10. #14 by dearly on Hunyo 21, 2012 - 12:39 umaga

    its up to them…!!! theyre already old enough to do wats the best thing….

  11. #15 by Charlene Mae Igdalino on Hunyo 24, 2012 - 3:35 hapon

    Bago ipinatupad ng gobyerno ang K+12, dapat punan muna nila ang mga kakapusan patungkol sa edukasyon – ang kakulangan sa libro, guro, silid aralan at marami pang iba…pano nila mahihikayat ang mga magulang na pag aralin ang kanilang mga anak na dagdag ng 2 taon kung ang iisipin nila ay dagdag gastos lang magagawa ng K+12? Kung maipapakita ng gobyerno na napupunan nila ang mga bagay pang edukasyon, hindi magdadalawang isip ang mga magulang na pag aralin ang kanilang mga supling…

    Maganda sana ang K+12 dahil nakakapagbigay ito ng dagdag kaalaman sa mga estudyante, ngunit sa kabilang banda, wala sa tamang panahon ang pagpapatupad nito… nasa panahon pa ng kahirapan ang bansa..

    Marami namang nagwawaging Pilipino sa ibang bansa hindi lang sa palakasan kundi sa larangan rin ng pag iisip.. hindi ba?

    Para sa king pananaw, dapat ayusin muna ng gobyerno ang kailangan ayusin bago gumawa ng hakbang na walang kasiguraduhan ang resulta..dapat pinapadama ng gobyerno sa mga mammayan nito na kapakipakinabang ang kanilang desisyon upang hindi dito tumaliwas sa kanila

    Ngunit ngayon maraming tumataliwas sa kanila, kasi nagdududa sila sa magiging resulta ng K+12 dahil unang una.. pag aaralin mo ang mga bata na kulang kulang ang mga gamit? papapasukin mo ang mga bata na napakalayo ng paaralan?at marami pa…

    Kung ako ang presidente ng pilipinas, ipapaayos ko muna ang butas na bubong bago magsilong dito.. dahil baka balang araw kapag lumaki ang butas sa bubong maaapektuhan ang mga nakisilong dito.

    Hindi namn sa pagmamrunong pero ….
    Baka nga ang K+ 12 pa ang maging dahilan ng pagbagasak ng literacy rate ng bansa…

  12. #16 by Di-Nagpakilala on Hulyo 9, 2012 - 7:08 hapon

    ako ay sang ayong dahil sa bawas matrikula ng collage dahil 2 years ng collage ang madadagdag dito sa programang k-12

  13. #17 by Anonymous on Agosto 22, 2012 - 5:55 hapon

    napakaganda ng layunin ng k+12… subalit may mga bagay na dapat na mas bigyang pansin at unang bigyan ng solusyon..

  14. #18 by juvelyn dulay on Setyembre 18, 2012 - 5:57 hapon

    HINDI AKETCH PARIN SANG-AYON EE :>

  15. #19 by arvee valdez on Oktubre 3, 2012 - 2:42 hapon

    hindi ako sang ayon dito sapagkat ngayon pa lamang ay hirap na ang mga magulang na pagaralin ang kanilang mga anak how much more pa kaya kung magdaragdag pa ng 2 taon. isa pa bababa ang rate ng mga hindi nakatapos o nakatungtong sa kolehiyo. pangalawa ang employer ngayon ay mas priority ang mga college graduate kaysa hyskul graduate.

  16. #20 by Joel bembo on Disyembre 11, 2012 - 6:23 hapon

    Mas mainam na rin na madagdagan para kahit hindi kna magkolehiyo ay pwede k ng magtrabaho..

  17. #21 by jacel C. de Padua on Hunyo 21, 2013 - 7:42 hapon

    Para sa àkin maganda at tama ang pagpapatupad ng edukasyong ito dahil karamihan sa mga batang nagtatapos ng sekondarya ay hindi pa sapat ang edad para magtrabaho àt higit sa lahat wala paring kakayanan upang maging isang empleyado ..

  18. #22 by Di-Nagpakilala on Hulyo 27, 2013 - 4:02 hapon

    i agree with the article….

  19. #23 by Di-Nagpakilala on Hulyo 30, 2013 - 5:25 umaga

    hindi

  20. #24 by Di-Nagpakilala on Agosto 11, 2013 - 11:23 umaga

    maganda ang artikulo kasi nabibihasa ang mga mag-aaral sa mga aspeto o mga subject na pinag-aaralan nila ng paunti-unti…lahat ng mga bagay na pwede nilang matutunanan ay siguradong mapupunan…….kung nagkukulang man ang isang lugar ng mga guro pwede namn siguro na mag.request ang ibang distrito sa ibang lugar kung saan maraming pasadong guro na hindi pa naka.item…maraming gustong magturo pero walang bakanteng para sa iasng posisyon……

  21. #25 by myumi ylsel on Agosto 11, 2013 - 11:29 umaga

    sa ngayon may mga magulang parin na hindi sumasang.ayon dahil karagdagang gastos daw ito at matagal natatapos ang panahon ng pag-aaral ng kanilang mga anak, peru hindi nila nakikita o naiisip ang magandang kalalabasan nito sa hinaharap

  22. #26 by myumi ylsel on Agosto 11, 2013 - 11:34 umaga

    kung ang ibang lugar o distrito ay may mga problema tungkol sa kakulangan ng mga guro, may mga lugar na maraming mga pasadong guro na matagal nang nag-aantay para makapagturo hindi pa nakapagserbisyo sa pampublikong paaralan na nag-aantay ng item hanggang sa kasulukuyan..

  23. #27 by di nagpakilala on Oktubre 15, 2013 - 8:00 hapon

    kung mas maagang naipamahagi ang mga gamit para s mga guro at aklat para s mga mag aaral mas magiging epektibo ang pagsasakatuparan ng bagong curriculum n ito sana po s tulong ng ating pamahalaan mas magiging positibo ang adhikain ng bawat isa n matulungan ang mga mag aaral n pilipino. upang maitaas ang antas ng kaalaman pr s mga mag aaral. kami po ay umaasa n maibabahagi na nin
    yo ang mga aklat bago matapos ang taunang pang paaralan 2013-2014.

  24. #28 by Di-Nagpakilala on Nobyembre 26, 2013 - 6:41 hapon

    Wala kayung pake!!! :)

  25. #29 by reuel quidan casama on Disyembre 5, 2013 - 7:36 umaga

    tama gawa may nahihirapan kasi sa pag pasok ng gusto mong maging course

  26. #30 by Lovely Carin on Enero 27, 2014 - 2:40 hapon

    i think this new curriculum would really make more competitive filipinos in the global employment….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: