Diborsyo sa Pilipinas: Nararapat na bang Isabatas?

Sa kasalukuyang panahon ay bukod tanging Pilipinas na lang ang bansang wala pang diborsyo. Noon pa man ay napakainit na ng usaping ito dahil sa mahigpit na pagsuporta at pagkontra ng mga taong pabor at di-pabor sa nasabing panukalang pagsasabatas lalo na ng Simbahang Katoliko dahil labag diumano ito sa kanilang doktrina.

Para sa dalawang taong nagmamahalan, ang pag-ibig ay mistulang pagkaing matamis na panghabambuhay na pagsasaluhan. At ang kasal ay isang bagay na magtatali sa kanilang dalawa upang maging hanggang wakas ang pagmamahalan. Ngunit hindi lahat ng kwento ng pag-ibig ay nagtatapos na parang fairy tale. May pagsasamahan na sa paglipas ng panahon ay unti-unting naging marupok at tuluyang inanod ng kataksilan. Nagiging masama ang samahan, nagkakaroon ng malalim na hidwaan at kawalan ng tiwala ay ilan lamang sa mga bagay na sadyang nagpapagulo sa mabuting samahan ng mag-asawa. Minsan ay umaabot ito sa marahas na away at hanggang mauwi sa hiwalayan. At dahil sa kasal ay hindi agad pwedeng basta na lang maghiwalay ang mag-asawa. Dahil dito wala silang karapatan na muling magmahal at umibig. Maghihintay muna sila ng mahabang panahon hanggang sa maideklara ng korte na wala ng bisa ang kasal.

May kasalukuyang batas ang Pilipinas na may kinalaman sa paghihiwalay ng mag-asawa. Ilan sa mga ito ay ang legal separation at annulment of marriage. Ngunit ang nasabing mga batas diumano ay hindi ganap ang nagiging tugon sa mga kasong ito.

Sinasabing ang diborsyo ang makakapagbigay kasagutan sa mga isyung ito. Lahat halos ng bansa sa buong mundo ay may ganitong batas, anuman ang kanilang paniniwala at relihiyon. Nakakapagtaka na ang mga Pilipino ay patuloy na nagpapakonserbatibo sa pamamagitan ng turo ng simbahan gayong ang mga bansang mismong pinagmulan nito ay matagal ng tinangkilik ang ganitong batas. Ang Spain na matagal tayong pinamahalaan at nagdala ng Kristiyanismo sa ating bansa ay may ganitong batas. Maging ang bansang Brazil na may pinakamalaking bilang ng Katoliko sa mundo ay tinangkilik din ito. Ang Italy na kung saan ay kalapit lang ang Vatican na sentro ng Katolisismo ay ginagamit din ito. Maging ang Israel na kung saan ipinanganak at namuhay ang panginoong Hesus ay isinabatas na ito.

Malaking kasalanan ba ang pagpasa ng nasabing batas? Imoral ba itong matatawag? Bakit naman tanging Pilipinas na lang ang wala nito. Ibig sabihin ba ay mas mataas ang moral natin kumpara sa ibang bansa? Malamang hindi. Nagkataon lang siguro na karamihan sa mga Pilipino ay ipokrita at ipokrito. Bagamat bawal ang aborsyon ay talamak itong nangyayari. Libo-libong kaso nito ang naiuulat. Bawal ang premarital sex pero wala na yatang ikinakasal sa ngayon ang “virgin” pang matatawag.

Ang diborsyo ay isang batas na napakahalaga. Nagbibigay ito ng solusyon para sa mga hindi naging matagumpay na kasal at pagsasamahan. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon uli ng tsansa ang mga nabigo at hindi naging matagumpay sa unang pagsasama na muling umibig at sumubok ng ikalawang relasyon. Ipagkakait ba natin ito? Lahat naman ay nagkakamali. Hindi lahat ng kasalĀ  at pagsasama ay nauuwi sa panghabambuhay. Ang diborsyo ay para sa mga taong nasawi sa unang kasal.

Wala itong pinagkaiba sa kasalukuyang batas natin na Annulment of Marriage kung moralidad ang pag-uusapan. Iniba lang ang pangalan, kung tinangkilik ang una bakit hindi ito? Magpaka-totoo tayong mga Pilipino. Maging bukas ang isipan. Isabatas ang diborsyo!

About these ads

, , , , ,

  1. #1 by tiger on Pebrero 28, 2012 - 3:48 umaga

    para sa akin dapat isabatas..dahil di lahat perpekto ang kasal kung sabihin na kasal sila ngunit d nmn sila masaya o sabihin ntin ng mas malala na isa sa knila ay nagtataksil..hindi ba napaka impokrito at impokrita ng knilang sitwasyon? oo may anak sila pero maaring pag usapan yun..wag nila ipagddaamot ang anak nila sa isat isa..in easy to say dpat handa sila sa obligasyon nila sa anak nila…

    mahirap sa mag asawa ang nagsasama ng hindi namn sila masaya n tila may kulang o madalas n ngttalo hindi ba?MAGPAKATOTOO TAYO SA SARILI NATIN…KESA HABANG BUHAY KANG PINAGTTAKSILAN NG KABIYAK MO..

  2. #2 by phineas on Oktubre 3, 2012 - 8:16 hapon

    hhmmmmmmmmmmm………………………..

    • #3 by Di-Nagpakilala on Marso 6, 2014 - 7:39 hapon

      ….its true that we are not perfect but GOD TOLD US WE CAN BE PERFECT.kaibigan,sa sinbi mung dapat tayong magpakatotoo,bakit di ka pa sana ngpakatotoo nung una pa ,.

  3. #4 by Di-Nagpakilala on Disyembre 8, 2012 - 9:42 umaga

    oo, tama nga. .

  4. #5 by Di-Nagpakilala on Disyembre 10, 2012 - 7:41 hapon

    sa tingin ko’y hindi dapat ipatupad ang diborsyon sa pilipinas dahil bakit kapa nagpapakasal kung sa maliit na away kayo magkakahiwalay… oo isang sagot ito sa problema ng mag asawa ……. lalaong lalo na kung manbubugbog pa… pero kawawa ang mga anak nila kung ipapatupad ang batas ng diborsyon ..!

  5. #6 by vhal on Pebrero 4, 2013 - 2:22 umaga

    sa aking palagay hnd dapat hayaan ng mga pilipino na maisa batas ang “divorse bill” sana po isipin po natin na sagrado ang sinumpaan ng mag asawa sa harap ng dios,ang divorse ay hindi solusyon yun lang po

  6. #7 by rommel amar on Pebrero 6, 2013 - 3:02 hapon

    alam naman po natin na ang diborsyo ay hindi solusyon sa problemang ito..mayroon na po tayong legal separation o annulment ika nga so bakit pa po ba natin kailangang dagdagan pa nang ibang problema?kung magkagayon eh…di lang isang pamilya ang mawawasak hindi lang iisang bata ang magsasakripisyo…
    ipinunla sa ating mga pilipino na dapat ay maging responsable tayo sa paggawa ng mga desisyon lalong lalo na kung pagpapakasal ang pag-uusapan…hindi ito ang pangunahing problema nang ating bansa…kailangang pagtuunan na lamang ng pansin ng ating pamahalaan ang iba pang mas importanteng problema nito…bilang natatanging bansa na kristiyano sa timog silangang asya…we need to preserve that principle..

  7. #8 by bryan selen on Marso 4, 2013 - 10:52 hapon

    tama nga— eh kapag ito ay naisabatas na pano naman ang mga batang umaasa sa mga magulang???? imbis na mahubog ang kanilang pagkatao may malaking tsyansa na sila ay mapupunta sa maling landas yun ay dahil lang sa pag hihiwalay ng mga magulang… imbis na may gagabay ay ano???

    • #9 by blag.gagag on Agosto 22, 2013 - 11:33 hapon

      tamang tama
      !

  8. #10 by adones on Marso 7, 2013 - 7:04 umaga

    tama nga pero mali

  9. #11 by JOCELYN on Setyembre 5, 2013 - 12:44 hapon

    para sa akin, ay tama ang maisabatas na ang diborsyo.Bakit?, dahil sa pamamagitan nito ay mabibigyan na ng kalayaan ang mag-asawang madalas nang mag-away,.. pag ka babae man o lalaki kung di kayo magkasundo sa isa’t-isa ay mas lalong lala ang pagsasama nila..Lalong lala, kapag mga anak na ang naaapektuhan,,oo nga kompleto ang pamilya, pero wasak naman ang pagmamahalan sa isa’t-isa, nararapat lamang na mag-divorce na lang, para sa ikakatahimik ng kani- kanilang konsensya…
    Lahat ng mamamayang PILIPINO ay may iba’t-ibang dahilan… Sa paraang divorce, ay nagkakaroon ng tsansa na mabago ang kaguluhang nararanasan ng bawat pamilya.
    PAYAG AKONG MAISABATAS ANG DIVORCE……….

  10. #12 by riza on Enero 23, 2014 - 2:48 hapon

    mali po. di ba pinagsama ng Panginoon Diyos ang mag-asawa? at sinabi rin na “Huwag paghihiwalayin ang aking ipinagsama dahil sila ay nakatali na sa iisa.” kahot pa sabihin nyo na di nyo mahal ang isat isa di ba? batas po yun ng diyos hindi ng tao kaya wala silang karapatan dun..

  11. #13 by ANGELO on Pebrero 28, 2014 - 10:34 hapon

    bakit kailangang mag divorce?? pra maging malaya sa kagulohang dulot ng mga walang utak na mag-asawa? oH dahil sadyang mkasarili lang talaga tayong mga pilipino? kung gagawin nyo ang diborsyon may maganda ba itong idinudolot sa atin, hindi nyo ba iniisip ang maging buhay ng mga anak nyo kung walang magulang na mag-aalaga sa kanila at matitiis nyo ba kung maging isa sa mga batang kalye ang mga anak nyo? tandaan nyo napakalaki ng epekto ng divorce sa buhay ng bawat tao. HINDI AKO SANG-AYON NA MAISABATAS ANG DIVORCE

  12. #14 by ahnne on Marso 5, 2014 - 10:31 umaga

    pilipino nga naman…sa tingin ba ninyo diborsyo ang solusyon..well kung ganun,mas magandang pumunta kau sa ibang bansa na legal ang divorce kaysa naman pagtatalunan pa ang mga bagay na ito,,dahil mas lalong ito ang nagpapawasak sa buhay may pamilya,kayat huwag kayong magdamay ng ibang tao dahil sa buhay ngayon iisa lang ang magjujudge sa atin at iyon ay ang LUMIKHA.kayat mag isip ng matino..hindi kung anong divorce na itinatalaga ninyo..mas magandang hwag na lang mag asawa kung wala kaung paninindigan dahil MISMONG SARILI MO lang ang pinatataksilan mo!!!!!!!!!!!!!

  13. #15 by blag.gagag on Agosto 22, 2013 - 11:30 hapon

    Hindi na kailangan ng pagdedeborsyo…. maging responsable ka lang na tao at maging laging tapat sa mahal mo!…..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: