Jose Rizal: Ang Pambansang Bayani

image

Sino bang Pilipino ang hindi nakakakilala kay Jose Rizal? Simula pa ng ating kabataan hanggang sa pagtanda ay lagi nating naririnig ang kanyang pangalan. Ang ating pambansang bayani na tinitingala hindi lamang ng ating lahi kundi pati ng buong mundo. Saan ka man magpunta sa ating bansa ay makikita at maririnig mo ang kanyang pangalan. Sa lahat ng bayani ay siya ang binigyan ng pinakanatatanging parangal. Halos lahat ng institusyon ay mayroong isinunod sa kanyang pangalan gaya ng eskwelahan, kalsada, tulay, ospital,  probinsya at marami pang iba.

Ang ganitong parangal ay nararapat lang na ibigay sa isang taong naglingkod sa bayan ng walang pag-iimbot at nagpamana sa lahing Pilipino ng mga turo at aral na nagpapatuloy magpakailanman. Naiiba sa lahat ng bayani si Rizal. Kung ihahambing siya kay Bonifacio ay malayung-malayo ang agwat nila pagdating sa talas ng pag-iisip. Matalino ang ating pambansang bayani. Katunayan dito ay ang mga nobela at mga akdang ginawa niya na magpahanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ng mga Pilipino dahil sa kahusayan ng pagkakagawa nito. Mahusay siyang mag-isip at madaling matoto sa ibat-ibang bagay. Siya ay isang dakilang tao, maraming talento at likas ang pagmamahal sa bayan. Sa lahat ng bayani sa buong mundo ay bukod tanging ang buhay niya ang may pinakamaraming naitala sa kasaysayan. Katunayan, hindi sasapat ang isang araw para pag-usapan ang kanyang buhay. Sa kolehiyo ay isang asignatura ang inilalaan para pag-aralan ang kanyang buhay sa loob ng isang semestre. Marami pang natatanging katangian ang ating pambansang bayani. Marami pang mahahalagang bagay ang kanyang nagawa. Marami pang dapat pag-usapan tungkol sa buhay niya. Pero ang mahalaga sa lahat ay ang makilala siya bilang isang huwarang Pilipino pagdating sa paglilingkod sa bayan, bilang isang mamamayan na marunong lumaban sa mga mapang-api sa pamamagitan ng mapayapang paraan, at isang bayani na karapat sa kanyang kinaluluklukan.

Si Jose Rizal ay isang tao rin katulad natin. Ang katulad niya pagdating sa katangian ang malaking kulang sa ngayon sa ating mga Pilipino. Bawat isa ay maaring maging bayani katulad niya. Maaring hindi na siya mahigitan ninuman sa kasalukuyan, ngunit ang mahalaga ay ang maging kaisa niya pagdating sa isip, sa salita at sa gawa para sa kabutihan ng bayang pilipinas.

See related articles in English.

Jose Rizal: the only Rizal
Rizal Park

About these ads

,

  1. #1 by Anonymous on March 18, 2013 - 9:25 am

    imilio jacinto elemetary school

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: