Isla ng Boracay

Tag-init na naman sa Bansang Pilipinas. Painit na ng painit ang temperatura bagamat minsan ay may biglaang pag-ulan. Tuwing sumasapit ang tag-init ay isa lang ang sumasagi sa isipan ng mga Pilipino, ang magpalamig sa pamamagitan ng pagkaing may yelo at ang magpunta sa mga beach.

Kung beach lang din ang pag-uusapan ay laging nangunguna dito ang Isla ng Boracay. Ang Boracay ang sinasabing pangunahing destinasyon ng mga turista sa bansa. Sa taglay na kagandahan ng Boracay ay makailang ulit na itong nabigyan ng pagkilala at parangal ng mga bigating Travel Magazines at Websites sa internet. Napasama na ito sa listahan ng CNN bilang isa sa pinakamagandang beach sa mundo at ng Tripadvisor bilang pinakamagandang beach sa Asya. Sa ganda ng Boracay ay inilalarawan pa ito ng ilan bilang mala-palaraisong isla. Pino at puting buhangin ang pangunahing atraksyon ng mga beach resort  sa Boracay. Ngunit hindi lahat ng mga Pilipino ay nakakapunta sa Boracay. Alam mo bang mangilan-ngilan lang talaga ang nakakapunta doon? Sila ang mga mayayaman at nakakaangat sa buhay. Ang iba ay kuntento na sa pakikinig sa kwento ng kagandahan ng isla samantalang mas mapalad ang tulad kong namamalas pa ito sa pamamagitan ng internet. Hayaan niyong ibahagi ko ito sa pamamagitan ng mga larawang nakalap ko sa internet.

Boracay

mula sa boracayitalianresort.com

Boracay

mula sa wayph.com

boracay

mula sa boracay-paradise.com

boracay

mula sa flickriver.com

 Bilib ka na ba sa kagandahan ng Boracay? Ito ay isa lamang sa mga maipagmamalaking likas na kagandahan ng ating bansa.

About these ads
  1. Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: