Ang Pagmimina

Pinag-usapan kamakailan sa mga social networking sites ang maanghang na diskusyon sa pagitan nina Manny Pangilinan (isang kilalang negosyante ng bansa at nagmamay-ari ng Philex Mining Corporation) at Gina Lopez (kilalang Environmentalist at Managing Director ng ABS-CBN Foundation) tungkol sa epekto ng pagmimina sa bansa.

Ano ba ang naging punto ng magkabilang panig? Unahin natin ang mahalagang papel ng pagmimina sa ikauunlad ng ating bayan. 1. Ang Pilipinas ay mayaman sa ibat-ibang uri ng mineral at mapapakinabangan lamang ito sa pamamagitan ng pagmimina na isang napakalaking industriya. 2. Nagbibigay ito ng trabaho sa mga tao at ayon pa nga sa komersyal ng Philex Mining, nakapagpagawa sila ng mga kalsada, tulay at mga silid-aralan sa komunidad na malapit sa minahan. Libong tao ang nakikinabang at natutulungan ng industriyang ito. 3. Maaring maisagawa ang pagmimina sa isang ligtas na pamamaraan.

Ang masamang epekto ng pagmimina:
1. Permanente nitong sinisira ang kalikasan at nawawalan ng tirahan ang mga hayop. Ayon sa mga eksperto, mahigit sandaang taon ang bibilangin bago bumalik ang natural na komponent ng nasirang habitat. 2. Hindi sapat ang trabaho at buwis na naiaambag ng mga industriya ng pagmimina sa pinsalang maaring maidulot nito sakaling gumanti ang kalikasan. 3. Walang mahusay na pamamaraan ng pagmimina. Dahil dito ang masirang kalikasan ay permanente na habambuhay at ang mga dating naninirahang hayop sa lugar at malapit dito ay hindi na maaaring bumalik pa. 4. Walang pinipiling lugar ang pagmimina. Kahit sa mga lugar na may potensyal bilang destinasyon ng mga turista ay pinapayagan. Ang turismo sa bansa ay industriyang maaring maging alternatibo sa pagmimina.

Ayon mismo kay Manny Pangilinan, hindi ang pagmimina ang suliranin ng bansa kundi ang kahirapan. Ngunit hindi ba pwedeng masolusyunan ang kahirapan sa bansa ng hindi nasisira ang kalikasan? Hindi lahat ng bansa ay may industriya ng pagmimina. At mas lalong hindi lahat ng may industriya ng pagmimina ay yumaman. Ang totoo, sa industriya ng pagmimina ay mas lalong yayaman ang mga negosyante. Ang publiko at gobyerno ay makikinabang sa munting halaga pero kapag naningil na ang kalikasan ay sila pa ang mas higit na apektado. Kung sakaling hindi nga maiiwasan ang pagmimina, marapat lang siguro na taasan ng malaki ang buwis nito upang makinabang ang lahat ng tao.

About these ads
  1. Mag-iwan ng puna

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: