Araw ng Kagitingan

Ang Araw ng Kagitingan ay ipinagdiriwang ng bansa taun-taon tuwing sumasapit ang ika-9 na araw ng Abril. Sa panahong ito ay inaalala ang kagitingan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na nagsakripisyo at nagbuwis ng kanilang buhay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ayon sa kasaysayan ay libu-libong kawal na Amerikano at Pilipino ang namatay sa tinatawag na Death March dahil sa pagbagsak ng Bataan sa kamay ng pwersang Hapones.

Napakahalaga ng pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan. Ito ay araw ng pagdakila sa kabayanihang nagawa ng ating mga bayaning sundalo. Kung sa pangkaraniwang mamamayan ay tila ordinaryong pagdiriwang lang ito ay naiiba naman ang pakiramdam ng mga beteranong sundalo na may-edad na ang karamihan. Hindi nila malilimutan ang marahas na bahagi ng ating kasaysayan at maluha-luha pa ang ilan tuwing naaalala ang araw na iyon. Ang ating kalayaang natatamasa sa kasalukuyan ay malaking utang na loob natin sa kanila kaya dapat ay ating sariwain at huwag kalimutan ang araw na iyon. Likas ang katapangan at kabayanihan nating mga Pilipino at patunay dito ang pagtatanggol sa ating bansa laban sa mga mananakop gaya ng bansang Hapon. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay napakalaking pinsala ang nagawa sa ating bansa ng bansang Hapon. Maraming buhay ang kanilang kinitil at labis ang pagmamalupit sa ating mga kababayan ng panahong iyon. Kung tutuusin hindi sasapat ang mga kasalukuyang tulong at proyekto ng nasabing bansa sa kanilang perwisyo. Nakakalungkot isipin na karaniwan sa mga Pilipino ay unti-unti nang nalilimot ang ating kasaysayan. Ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan ay isang araw ng pagpapaalala rin sa mundo na walang mabuting naidudulot ang digmaan at giyera. Walang nananalo at natatalo pagdating sa labanan. Maraming buhay ang nasasawi at lahat ng buhay sa mundo ay apektado.

Ang Araw ng Kagitingan ay isa lang sa pambansang pagdiriwang. Mahalaga ito sa ating mga Pilipino sa pagmumulat at pagtataguyod ng kabayanihan ng ating mga ninuno sa kasalukuyang henerasyon. Ang Araw ng Kagitingan ay araw nating mga Pilipino.

See related article in English

April 9 is Araw ng Kagitingan (Day of Valor)

About these ads
  1. Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: