Araw ng Kalayaan ng Pilipinas

Tuwing ika-12 ng Hunyo ay ipinagdiriwang ng Pilipinas ang kalayaan o kasarinlan bilang isang bansa. Ngayon ngang taon ay nasa ika-114 anibersaryo na ng pagdiriwang ng kalayaan ng Pilipinas mula sa mga mananakop na dayuhan. Matatandaang unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa Kawit Cavite at binigkas ang pambansang awit bilang simbolo ng kalayaan.

Ngunit ang kalayaang natamo ng mga Pilipino sa pangunguna ni Emilio Aguinaldo laban sa mga Espanyol ay pansamantala lang pala dahil di naglaon ay mga Amerikano naman ang sumakop sa bayan. Pinamahalaan ng mga Kano ang mga Pilipino at itinuro ang mga ideyolohiyang maka-demokrasya. Masasabing naging mabuti naman ang pamamahala ng mga Amerikano. Hindi nagtagal ay sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagbigay-daan sa malupit at mapaniil na pamamahala ng mga Hapones. Makalipas ang ilang taon ay bumagsak ang Imperyalistang Hapon at tuluyang nagwakas sa kanilang pananakop. Tuluyan na ring naging malaya laban sa mga dayuhan ang bansang Pilipinas. Sinasabing ang Pilipinas ay isang maunlad na bansa ng panahong iyon at pumapangalawa sa bansang Hapon sa kaunlaran. Makalipas lang ang ilang taon ay muling nawala ang kalayaang ipinaglaban ng mga Pilipino dahil sa mismong kababayan ay nadama ang isang pamumunong diktador sa kamay ni Pangulong Marcos. Kapansin-pansin ang hindi ganap na paglaya ng mga Pilipino dahil agad itong nauudlot.

Ngayong taon ay muling ipinagdiriwang ng bansa ang ating kalayaan na may temang “Kalayaan: Pananagutan ng Bayan para sa Tuwid na Daan”. Mahalaga ang taunang pagdiriwang na ito dahil muli ay naipapamulat sa kapwa nating Pilipino ang kahalagahan ng kalayaan. Kung papanong ito ay pinaghirapan ng ating mga ninuno upang makamit ay nararapat lamang na ito ay pangalagaan at ingatan.

See related article in English version.

Philippine Independence Day 2012

About these ads
  1. #1 by romilyn on Hunyo 12, 2012 - 8:36 umaga

    pangalagaan at Ingatan

  2. #2 by josephine m sanchez on Agosto 29, 2012 - 9:43 hapon

    ang galing talaga ng mga katipunero ng ating bansa,it so amazingly

  3. #3 by daniela grace m. gambito on Nobyembre 8, 2012 - 12:21 hapon

    sana magtagal pa rin ang kalayaan ng pilipinas sa ating bayan at maging sa ating bansa masaya ako dhil nagkaroon pa ng kalayaan sa ating bansa.

  4. #4 by j.C. fernandez on Hulyo 24, 2013 - 5:59 hapon

    ano ang mga nawalang kalayaan sa pilipinas sa kamay nang japan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: