Panukalang Paglipat sa Unang Araw ng Pasukan sa Setyembre: Pabor Ka Ba?

Nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang nangyaring suspensyon ng klase sa ibang parte ng Metro Manila dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan at pagbaha. Ang buwan kasi ng Hunyo ay panahon ng tag-ulan at kasabay rin ang pagsulputan ng mga bagyo. Dahil sa pangyayaring ito ay muli na namang nabuhay ang panukalang paglipat sa unang araw ng pasukan sa buwan ng Setyembre.

Hindi na bago ang nasabing panukala at sa katunayan ay taun-taon tuwing nakakaranas ng pagsuspende sa mga klase ay mistulang kabute ang panukala na nabubuhay. May batayan nga ba ang nasabing panukala? Sa nakikita ko ay may magandang intensyon naman ang nabanggit na panukala pero hindi ako sang-ayon dito. Nakasanayan o bahagiĀ  na ng tradisyong Pilipino ang buwan ng Hunyo bilang pag-uumpisa ng pagpasok sa mga paaralan. Ang buwan naman ng Abril at Mayo ay panahon ng Summer kung saan ay ibat-ibang gawain ang ginagawa ng mga kabataan habang walang pasok. Isang malaking hamon rin ang isasagawang transisyon kapag tuluyang ipinatupad ang nasabing panukala. Hindi rin nakasisiguro ang pamahalaan na kapag inumpisahan ang pasukan sa buwan ng Setyembre ay maiiwasan na ang madalas na suspensyon ng klase. Halos kalahating taon ng Pilipinas ay tag-ulan at madalas rin ay binabagyo sa huling bahagi ng taon.

Ang panukalang paglipat ng simula ng klase sa Setyembre ay hindi garantiya na makakatulong upang mabawasan ang pagkawala ng oras sa pagtuturo dahil sa mga suspensyon ng kase. Mas makakabuti sigurong magkaroon na lang ng “make-up class” gaya ng pagpasok sa araw ng sabado at linggo.

About these ads
  1. Mag-iwan ng puna

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: