Ang Pangatlong SONA ni Pangulong Benigno Aquino III

Sa Lunes na ang pangatlong SONA ni Pangulong Benigno Aquino III patungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas o mas kilala sa tawag na State of the Nation Address. Ang State of the Nation Address ay ang taunang talumpati ng ulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas. Ito rin ang nagsisilbing umpisa ng pagbubukas ng sesyon ng dalawang kapulungan lehislatura.

Ang State of the Nation Address ng pangulong Aquino sa Lunes ay ang ikatlong pagkakataon upang iulat sa bayan kung ano ang kalagayan nito. Sa nasabing talumpati ay babanggitin ng pangulo kung anu-ano ang mga proyekto at polisiya ng pamahalaan ang napagtagumpayan nito. Ang SONA ay inaabangan ng bawat Pilipino dahil dito din binabanggit ng pangulo ang mga proyektong maaaring isulong sa mga susunod na taon.

Sa loob ng dalawang taong panunungkulan ng pangulo sa Pilipinas ay masasabi kong hindi ako kuntento sa kanyang pamumuno. Hayaan niyong isa-isahin ko ang mga dahilan kung bakit.

1. Noong nakaraang pampanguluhang eleksyon ay isa sa kanyang ipinangako ay ang malinis na pamamahala sa gobyerno. Katunayan dito ay ang matunog niyang campaign slogan na “Tuwid na Daan” na siya ring naging batayan ng mga tao upang ihalal siyang pangulo. Ngunit hindi niya ito tinupad dahil ang mismong batas na sinupurtahan niya noong senador pa lamang siya na Freedom of Information Bill na ayon sa mga mamamahayag ay siyang lunas sa korapsyon ay hindi niya naisabatas kahit marami siyang kaalyado sa kongreso.

2. Ganoon pa rin ang kalagayan ng edukasyon sa bansa. Malaki ang kakulangan sa mga silid-aralan, guro at mga pasilidad. Patuloy rin ang pagtaas ng matrikula sa mga pribadong paaralan at tinapyasan ang badyet sa mga pampublikong kolehiyo.

3. Pagdating sa kalusugan ay wala ring pag-asensong nangyari. Ang mga pampublikong ospital sa bansa ay nangungulelat pa rin pagdating sa serbisyong medikal.

4. Kakaunti ang mga bagong imprastaktura ang naipagawa sa bansa.

5. Maraming mga bigating kumpanya ang nagsara gaya ng Ford Philippines.

6. Pagdating sa dagdag sahod ay hindi makatarungan ang kanyang pananaw.

7. Patuloy ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin at pangangailangan gaya ng kuryente.

8. Wala ring pag-unlad pagdating sa isport ng Pilipinas. Katynayan dito ay ang pinakamaliit na delegasyon ng Pilipinas sa London Olympic.

Para sa akin ay hindi kaabang-abang ang SONA dahil lahat naman ng babanggitin ng Pangulong Aquino ay nangyayari na. Ibibida lang naman nito ang mga maliit na tagumpay at pagtatakpan ang mga kamaliang nagawa.

About these ads
  1. #1 by emil on July 23, 2012 - 9:56 pm

    hayaan lng natin siyang tuparin ang kanyang layunin?

  2. #2 by Arlyn on July 23, 2013 - 6:43 pm

    lahat naman na dumadating na pangulo ay ganoon ang kuminto ng halos lahat ng tao? Mag trabaho na nga lang tayo at pabayaan natin sila sa kaianilang tungkulin ng tayo naman ang umasinso hindi yong magdadada.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: