Eleksyon sa Amerika: Obama o Romney?

Isa sa pinaka-aabangang balita sa ngayon ng mundo ay ang magiging resulta sa ginaganap na eleksyon sa Amerika o United States na itinuturing na pinaka-makapangyarihang bansa sa buong mundo. Ayon sa ulat ay mahigpit ang tunggalian ng dalawang kandidato sa pagka-presidente na sina Democrat at kasalukuyang pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama at Republican na si Mick Romney.

Ilang oras na lang ay malalaman na ang resulta sa nasabing halalan. Ganun kabilis ang resulta sa nasabing bansa. Ano naman kaya ang mapapala ng Pilipinas sa nasabing eleksyon? Dahil ang Amerika ang pinakamakapangyarihang bansa sa mundo ay malaking epekto sa mga Pilipino kung sino ang magwawagi sa dalawa. Magkaiba ang polisiya ng nasabing kandidato. Si Romney ay mas hihigpitan ang laban sa illegal immigration at foreign policy samantalang si Obama ay sinasabing mas “friendly” sa mga illegal immigrant. Mas diplomatiko rin ang approach ni Obama sa mga suliraning panlabas at polisiya samantalang parang kamay na bakal naman ang prinsipyo ni Romney lalo na laban sa China.

Si Obama ba o maagaw kaya ni Romney ang trono ni Obama bilang presidente ng bansang Amerika? Ito ang katanungang masasagot habang padilim na sa Amerika at paumaga naman sa Pilipinas.

Abangan na lang natin ang resulta, tutal bilang pangkaraniwang mamamayan ay hindi naman tayo ganap na maapektuhan.

About these ads
  1. #1 by glynese fritz cabiladas on November 8, 2012 - 6:06 pm

    . . . .

    :P

  2. #2 by glynese fritz cabiladas on November 8, 2012 - 6:15 pm

    i’m so glad that pres. obama win …!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: