Posts Tagged Mga tradisyong Pilipino tuwing Pasko

Pasko sa Bayang Pilipinas

image

image

image

image

image

image

Pasko ang pinakamahabang pagdiriwang ng isang holiday sa Pilipinas. Pagpatak pa lang ng Ber month ay hudyat na ito ng simula ng pagdiriwang. Masasabing ito rin ang pinakamasayang pagdiriwang. Maraming tradisyon ang mga Pilipino kaakibat ng selebrasyon ng Pasko tulad ng mga sumusunod:

1. Paglalagay ng mga palamuti- Bago pa man sumapit ang Pasko ay naglalagay na ng mga dekorasyon o palamuti sa kanya-kanyang tahanan ang mga Katolikong Pilipino. Maliban sa tahanan ay meron din sa mga gusaling pribado at pampubliko, mga hospital at kalsada. Pagandahan ng dekorasyon ang mga tao. Ibat-ibang pailaw ang makikita sa mga ito. Meron pang mga christmas tree at parol.

2. Misa de Gallo at Advent Season- kadalasan ay ginagawa ang simbang gabi. At pagkatapos ng simba ay ang pagkain ng mga kakaning tuwing Kapaskuhan lang makakain gaya ng puto bumbong. Tuwing madaling araw ay ginagawa ito at ayon sa mga sabi-sabi kapag nakumpleto mo diumano ang siyam na araw ay matutupad ang iyong kahilingan. Isinasagawa rin ang Adviento ng simbahan o ang apat na linggong paghahanda bago ang araw ng Pasko. Ayon sa turo ng simbahan ay paraan ito upang bago dumating ang panginoon sa buhay ay malinis itong makapanuluyan sa puso ng mga tao. Mayroon apat na kandilang nakalagay sa isang paikot na ring na napapalamutian at sinisindihan ang isa bawat linggo.

3. Ang pagbibigay ng Regalo- Ito rin ang panahon ng pagbibigayan at kasama na dito ang pagbibigay ng regalo ng mga ninong at ninang sa kanilang mga inaanak. May mga isinasagawa ring Christmas Party sa kumpanyang pinagtatrabahuhan at maging sa mga eskwelahan. May mga nagaganap na palitan ng regalo. May mga programa rin tampok ang pagsilang ng panginoon.

4. Noche Buena- panahon din ng reunion ng pamilya at magkakamag-anak ang Pasko. Dito ay salo-salong kumakain ang pamilya pagsapit ng alas dose ng gabi ng Christmas Eve.

5. Christmas Caroling at Christmas Songs- mapapakinggan sa mga radyo at pinapatugtog ang mga pamaskong awitin. Nagkakaroon din ng Christmas Caroling na nagbabahay-bahay.

6. Naging parte na rin si Sta. Claus na pinaniniwalaan ng mga bata na siyang nagbibigay ng regalo pagsapit ng madaling araw ng Pasko.

Bukod sa mga nabanggit ay kapansin-pansin din ang pagiging busy ng mga tao. Nagkakaroon din ng mga Sale sa mga mall at tiyangge. Nandiyan din ang perya at iba pang pasyalan at libangan na kadalasan ay nagdudulot ito ng mabigat na trapik. Nandiyan din ang maraming suplay ng mga pagkain at prutas. May mga bonus ding natatanggap ang ilang empleyado.

Nagiging masyadong komersyal na nga sa makabagong panahon ang pagdiriwang ng Pasko. Huwag sana nating kalimutan na ang bida sa pagdiriwang na ito ay ang Panginoong Hesus na mas pinili ang maisilang sa isang sabsaban upang ihatid ang mensahe sa mundo na ang bawat tao ay dapat na maging mapagpakumbaba, payak ang pamumuhay, mapagbigay at mapagmahal.

*ang ibang larawan ay mula sa:
Northpolesantaclaus.com
Allphilippines.com
Sacredhearterie.org
Wheninmanila.com
Byahilo.com
Faasam.org
Hypelife.tv

, , , , ,

Mag-iwan ng puna