Saan Ba Ako Patungo?

*****Iniaalay ko ang tulang ito para sa mga kamag-anakan, mga kaibigan at kakilala na nasa kabilang buhay na.*****

"Ang buhay ay parang paglalakbay, lahat tayo ay papuntang hukay"

Malamig ang paligid, tahimik ang gabi
Sa daa’y nag-iisa, anino ang kakampi.

Ako’y naglalakad na tila walang silbi
Patungo sa paruruunang walang makakapagsabi.

Sa bawat hakbang mga puno’y bumubulong
Kasabay ng mga kulog na dumadagundong.

Ang daang tinahak ko ay yaong maigsi
Pagkat ako’y masyadong nagmamadali.

Huli na nang malaman ko na ako pala’y mali
Pilit ko man bumalik sa simula’y di na maari.

Pagkat ang buhay ng tao’y di pala sulatin
Pwedeng ulitin, simulan muli o baguhin.

Minsan lang ang mabuhay
Minsan lang ang paglalakbay
Malayang maglakbay kahit may lumbay.

Lahat ng bagay ay may pag-aalinlangan
Pero ang buhay may tiyak na patutunguhan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s