Muammar Gaddafi- Isang Diktador

Sino nga ba si Muammar Gaddafi? Diumano ay siya ang diktaduryang lider ng bansang Libya. At mas higit pang naging tanyag ang pangalan niya nitong nakaraang mga buwan at araw dahil sa pag-aaklas ng mga taga-Libya at sa tulong na rin ng iba pang bansang kanluranin tulad ng Amerika at miyembro ng European Union.

Maihahalintulad siya kay Pangulong Marcos ng ating bansa. Isa ring diktadurya at sa katunayan, diumano ay kaibigan ng kanilang pamilya noong nasa kapangyarihan pa. Ngunit di maikakatwa na mas mapalad pa ang pamilyang Marcos dahil nito lang nakaraang araw ay marahas na namatay ang nabanggit na lider sa kamay ng mga nag-aaklas na taga-Libya samantalang nasa poder na at muling nasa kapangyaihan ang pamilyang Marcos sa kabila ng alegasyon ng karahasan nuong kapanahuan ng kanilang rehime. At di maglalaon ay baka mabigayan pa ng parangal sa libing na karaniwan lang na iginagawad sa taong gumawa ng kabayanihan.

Iba’t-ibang reaksyon ang lumalabas sa kanyang marahas na pagpanaw. May naawa, pero higit na mas marami ang nasiyahan. Sa pagpanaw ni Gaddafi ay umaasa ang mga taga-Libya na ganap nilang makakamit ang kalayaan at pati ang buong mundo na umaasa rin ng kapayapaan. Mayaman sa langis ang bansang Libya. Sa aking pananaw ay makakamit rin nila ang ganap na kapayapaan at pag-unlad tulad ng isang demokratikong bansa.

Umaasa ako na wag sana silang matulad sa bansang Pilipinas na kung saan ay matapos ang pagpapatalsik sa diktaduryang Marcos ay ilan lang ang nakinabang. Ang mga dating nag-aklas ay sila naman ang nang-aapi sa bayan. Sila naman ang mga parang linta na ayaw ng bumaba sa pwesto. Patuloy ang pag-iral ng  “political dynasty”. Pero ang sagot nila sa isyung ito ay tao naman daw ang pumipili. Ibig sabihin daw nito ay maayos ang kanilang serbisyo. Kung totoo ang kanilang sinasabi na maayos ang kanilang panunungkulan ay bakit ganito ang kalagayan ng ating bansa?

May dapat na matutunan ang mga Pilipino sa kasaysayan ng mundo tulad ng pangyayari sa Libya. Pero sana’y malawak rin ang kaisipan ng mga taga-Libya at magsaliksik sila, matuto rin sana sila sa kasaysayan ng Pilipinas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s