Internet

Napakalawak ng impluwensya ng internet sa mundo. Sa pamamagitan nito ay mas higit na napapabilis ang mensahe na dapat mabatid ng tao.

Lahat halos ng impormasyon na nais mong malaman ay matatagpuan dito, maging ito man ay kasalukuyang balita o mga nakaraang pangyayari. Maging mga larawan, video, musika at iba pang anyo ng media ay nandito na rin. Ibat-ibang wika at lahi ng tao ang nakapaloob sa internet. Sa pamamagitan lang ng pag-click ay halos makakagawa ka ng bagay na makakapagpagaan ng iyong buhay. Maaari kang magdeposito sa bangko, mag-aral ng ibat-ibang bagay, makipag-komunikasyon at maglahad ng mga impormasyon na hindi mo magagawa sa tradisyunal na pamamaraan.

Marami ngang magagandang bagay ang naitutulong ng internet kayat dapat ay manatili itong bukas sa lahat ng tao sa mundo. May mga bansa kasing patuloy ang paninikil sa kalayaan sa paggamit ng internet tulad na lang ng China at Iran. Ayon pa nga sa United Nation, ang paggamit ng Internet ay pangunahing karapatan ng tao. May mga bansang malaya nga sa paggamit ng internet katulad ng Pilipinas pero sa sobrang mahal ng bayad ay katulad na rin sila ng mga bansang may mapanikil na patakaran sa paggamit nito.

Upang patuloy na lumago ang teknolihiyang ito, nararapat lang na gawing abot-kaya ang bayad sa serbisyo at gawing malaya ang paggamit nito. Malaki ang naiambag sa buhay ng tao ang internet. Bukod sa mga personal na bagay, naging daan din ito upang lumago ang ekonomiya ng mundo. Milyung-milyong trabaho ang naibigay nito

Napakalaki nga ng papel na ginagampanan ng makabagong teknolohiyang ito kayat sana ay gamitin sa wasto at tamang pamamaraan.

Tulad ng ibang tuklas na teknolohiya ay may masamang dulot din ito kaakibat ng kagandahang naibibigay nito tulad ng adiksyon, panloloko at
krimen. Maging matalino sa paggamit ng internet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s