Freedom of Information Bill

Tila walang balak ang Pangulong Aquino na ipasa ang Freedom of Information Bill habang nasa pwesto pa sya. Makalipas kasi ang mahigit isang taong kanyang panunungkulan ay wala man lang nababanggit tungkol sa nasabing batas na kanyang pinangako  noong nagdaang eleksyon at kanyang sinuportahan habang nasa senado pa sya at tagapuna ng nagdaang administrasyon.

Ang nasabing batas ay naglalayong maging bukas sa publiko ang mga transakyon ng gobyerno at iba pang impormasyon para makaiwas sa korapsyon na siyang pangunahing suliranin ng bansa. Ngunit tama nga marahil ang tinuran ng isang kongresista na ang nasabing batas ay maganda lamang sa isang pulitiko habang wala pa sya sa pwesto.

Hindi magiging ganap ang pinangako ni Pnoy na “tuwid na daan” kung wala ang nasabing batas. Siya ba ay katulad din ng mga nagdaang pinuno na mariiin nyang kinundena?

Malaki ang tiwala sa kanya ng mga tao. Katunayan dito ay ang malaking botong kanyang  natanggap noong 2010 Eleksyon dahil sawa na ang bayan sa korapsyon. Hindi maglalaon ay mahahalata ng buong bayan ang tila paglihis ng landas na kanyang tinatahak.

Ano na ang nangyari sa batas na kanyang sinuportahan at ipinangako. Seryoso ba talaga sya sa kampanya laban sa korapsyon o isa lang political gimik ang lahat. Tulad ng dati, magtitiis na naman ba ang bayan ng anim na taon sa pagluklok sa isang pangulong wala rin palang pinagkaiba sa mga lider ng bansang isinuka ng bayang pilipinas. O sadya lang makapangyarihan ang mga taong nasa kanyang lupon para di nya suportahan ang batas?

Kung tama ang hinala ko, malamang ipapasa nya ang nasabing batas kung kelan paalis na sya sa pwesto at sabihing “legacy ng kanyang panunungkulan”. Kung magkakagayon nga, talo na naman ang taong bayan.

Ang kanilang inaasahang magbibigay ng pag-asa at matinong pamumuno ay kinain na rin pala ng sistema.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s