Trabaho: Sa Gabi o Araw

Hindi biro ang magtrabaho sa gabi. Mahirap at mapanganib ito sa kalusugan. Ngunit alam nyo bang sadyang may mga taong nagtatrabaho sa oras na ito kahit hindi nila gusto? Ganito ang nararanasan namin tuwing sasapit ang ikatlong buwan. Hindi po kami mga Call Center Agent o Security Guard, kami ay kabilang sa manufacturing sector, mga kumpanya na 24/7 ang operasyon. Gumagawa ng mga produkto na ginagamit ng mga tao. Sa gabi ang trabaho at sa araw naman ang tulog.

Ngunit kung mahirap man ang magtrabaho sa gabi ay may mga benipisyo naman ito tulad ng mga sumusunod:
1. May dagdag sa sahod na sampung bahagdan. Kung sa magandang kumpanya ka nagtatrabaho ay malamang na higit na mas malaki ang matatanggap mong mga benipisyong pinansyal.
2. Madali lang ang magtrabaho. Walang mga manager o nakakataas na tao ang tumitingin sa trabaho. Pwede ring umidlip ng sandali basta huwag lang magpapahuli sa biglaang inspeksyon.
3. Iwas sa trapik habang papasok o pauwi sa trabaho. Bukod dito ay may oras ka pang mag aplay ng ibang trabaho sa araw o maglakad ng mga papeles.

Subalit may masamang naidudulot rin ang pagtatrabaho sa gabi tulad ng:
1. Masama sa kalusugan ang pagtatrabaho sa gabi. Maari kang tamaan ng sakit na anemya o humina ang iyong resistensya.
2. Kulang sa tulog. Mahirap ang matulog sa umaga. Iba pa rin ang tulog sa gabi.
3. Maari kang maging biktima ng krimen dahil sa madalas mangyari ang krimen sa gabi.

Ang mga nabanggit sa taas ay ilan lamang sa mga mabuti at di-mabuting naidudulot ng pagtatrabaho sa gabi. Nakasalalay pa rin sa kumpanya at empleyado kung papano nya haharapin ang hamong magtrabaho sa panahong karaniwang tulog dapat ang tao sa mundo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s