Mga Balitang Pinag-uusapan

1. Pagpatay kay Ram Revilla: Sinasabing siya ay sinaksak at binaril ng isang lalaking naka-bonet na pumasok sa kanilang bahay sa BF Homes Paranaque City nitong Sabado magmamadaling araw. Ideneklarang Dead on Arrival sa ospital ang nasabing binata na edad 22, isang artista at kapatid sa ama ni Sen. Bong Revilla Jr.. Kasama nya ang kanyang girlfriend na may tama rin ng bala pero ito ay nabuhay. Walang pang suspek sa nasabing krimen bagamat may mga tinutunton ng kadahilanan ang pulisya.
2. Ang pagpapakamatay ng apo ni dating Vice President Teofisto Guingona. Ang biktima ay sinasabing nagpakamatay sa pamamagitan ng paglundag sa ika-tatlumpot-tatlong palapag ng isang condominium unit sa Alabang, Muntinlupa.
3. Ang pagbibigay ni Pnoy ng limang milyong piso sa MILF bilang Fund sa diumano ay leadership training ng kanilang hanay na isinisi pa sa nagdaang administrasyon dahil sa pinangako diumano ng dating pangulong GMA ang nasabing halaga bilang bahagi ng usapang pangkapayapaan.
4. Ang pagbabakasyon ng mga taga Metro Manila papuntang probinsya upang doon gunitain ang pagdiriwang ng nalalapit na Todos Los Santos at Araw ng mga Patay, pati na rin ang pagdalaw sa libingan ng mga Pilipino sa paggunita ng nasabing okasyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s