Mga Uri ng Basura: Nabubulok, Di-nabubulok at Nakakalason

Dalawang uri lang ng basura ang alam ko dati. Ang nabubulok at di nabubulok na basura o kung tawagin sa salitang Ingles ay biodegradable at non-biodegradable. Ngunit nang makapagtrabaho na ako ay may isa pang nadagdag sa uri ng nasura. Ito ay ang mga nakakalasong basura o hazardous waste wika nga nila.

Kung dati rati ay dalawang basurahan lang ang nakikita ko madalas ay tatlo na ngayon. Isa para sa mga nabubulok na basura gaya ng mga tira-tirang pagkain, papel, halaman at mga patay na hayop. Isa naman para sa mga di-nabubulok na basura gaya ng mga plastic container na madalas ginagamit na pambalot sa pagkain. Kasama rin sa mga di-nabubulok na basura ang mga bote, mga bakal at electronic wastes. Ang ikatlong uri ng basura ay ang mapanganib o nakakalason. Ang mga halimbawa naman nito ay yaong mga kemikal o gamit na ginamitan ng kemikal. Madalas ay makikita ito sa mga pagawaan at maging sa mga ospital. Bagamat ito ay maaaring mabulok o hindi nabubulok, hindi ito isinasama sa dalawang unang nabanggit na uri ng basura dahil sa panganib nito sa kalusugan ng tao.

Mahalaga ang kaalaman ng tao sa basura dahil sa epekto nito sa ating kapaligiran. Halimbawa na lamang ay ang masamang naidudulot nito sa kalikasan gaya ng baha. Maaari rin itong magbigay ng sakit sa mga mamamayan. Ang wastong pagtatapon ng basura ay isang simpleng gawain na malaki ang naitutulong sa sambayanan. Ugaliin ang maayos na pagtatapon ng basura dahil kung hindi, maaring magkakatotoo ang kasabihang “Ang basurang itinapon mo ay babalik din saiyo”.

About these ads

, ,

  1. Mag-iwan ng puna

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: