Pag-inom ng Kape: Isang Bisyo na nga ba ng mga Pilipino?

image

image

Naging bahagi na ng mga Pinoy ang pag-inom ng kape tuwing umaga. Tila ba ito’y ritwal na araw-araw isinasagawa ng bawat isa bago maligo o pagkagising sa umaga habang nagbabasa ng dyaryo, nanonood ng telebisyon o nakikinig ng balita sa radyo. Ang gawaing ito ay hindi sumasalamin sa kalagayan ng buhay ng isang tao. Hindi ibig sabihin na nagkakape ka ay mahirap ka na, o kaya naman ay mayaman o sosyal sa lipunan.

Mayaman man o mahirap ay umiinom ng kape. Isang gawaing nakasanayan na, na mas talamak pa yata kaysa paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pagsusugal, pambababae, paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Pero kung maituturing man na bisyo na nga ito ay di-hamak na mas katanggap-tanggap kumpara sa ibang mga nabanggit na bisyo. Para makapag-sugal ka kailangan mo ng malaking halaga lalo na kung sa mga bigating Casino. Ilan pa nga sa mga nalululong dito ay naibebenta ang mga ari-arian tulad ng bahay, alahas at iba pang personal na gamit na may mataas na halaga. Kung isang simpleng mamamayan ka naman at naaadik sa pagtaya ng lotto ay mahina-hina na sa isang araw ang halagang sampung piso. Kung sa isang lasenggo naman ay tiyak maswerte na ang makaliban ng isang araw sa pag-inom ng alak, malaking¬† gastos rin ang tiyak dahil sa mahal ng presyo ng alak, at kung magbi-beerhaus pa ay tiyak aabutin ng higit na mas malaking gastos. Kung sa droga ka naman malululong ay talagang igugupo ka ng bisyong ito. Malamang sa hindi ay kulungan ang bagsak mo. Kung sigarilyo naman ang trip ay malamang ibat-ibang sakit ang mapapala mo. Bukod pa sa perang animo’y sinusunog mo.

Dito ka na lang sa pag-inom ng kape, isang bisyong masasabi pero walang malinaw na pag-aaral ang makakapagsabing may masamang epekto. Sa kaunting halaga ay makakaraos na araw-araw bukod pa sa ilang pag-aaral na diumano ay meron itong mabuting naidudulot na sa ating kalusugan.

Tatandaan lamang nating mga Pilipino na huwag masyadong aabuso. Kahit pa nga masasabing bisyo ang isang bagay ay nararapat pa ring bawasan o kontrolin ang gawaing ito. Bagamat walang masyadong masamang naidudulot ang pag-inom ng kape ay marapat pa rin na makiramdam. Sapagkat buhay at katawan lang natin ang tunay na makakapagsabi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s