Facebook: The Phenominal Social Network

Sikat ang Facebook hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo, maliban na lamang sa mga bansang naka-ban ito tulad ng China, Iran at North Korea. Dinomina ng Facebook ang mundo ng cyberspace at sa katunayan ay nangunguna itong social networking sites sa ngayon. Pinataob nito ang dating sobrang sikat na Friendster, Yahoo Messenger at iba pang uri ng midya sa internet. Isa sa dahilan kung bakit naging malakas ang hatak nito sa mga tao ay dahil sa naiibang mga feature nito. Kabilang na dito ang chat at messaging system, mga games na nakakatuwa at mistulang hinango sa tunay na buhay ng tao, video group chat, paglikha ng grupo, pag-a-upload ng mga picture at video na pwede mong i-tag sa mga kabilang dito na may account din at marami pang iba.

Sa kasalukuyan ay maituturing na isang malaking kumpanya ang Facebook Inc. Kumikita ito sa pamamagitan ng mga patalastas dito. Kabilang din ang founder nito sa listahan ng mga pinakabatang milyonaryo na si Mark Zuckerberg. Malaking papel ang ginagampanan ng nasabing social networking site sa mga tao sa mundo. Mas pinapabilis nito ang paglalahad at palitan ng mga impormasyon, balita at kuro-kuro. Mas pinaglapit nito ang ugnayan ng mga tao. Ang mga taong matagal ng di nakikita ay muling natatagpuan sa pamamagitan nito. Mas tipid na ring paraan ng komunikasyon ang FB kumpara sa telepono at iba pang paraan ng pakikipag- komunikasyon. Malaki rin ang naiambag nito sa ekonomiya. Higit na tinangkilik ng mga tao ang mga computer at iba pang gadget na may kinalaman dito.

Bagamat malaki ang naitulong ng Facebook sa mga tao ay meron din namang masamang naidudulot ito. Napapabalita ang adiksyon sa nasabing website ng ilang tao sa mundo. Nagiging dahilan tuloy ito ng pag-iiba ng kanilang lifestyle. Dito sa Pilipinas ay may mga krimen rin na nadadag dala ng madalas na pakikipag-ugnayan ng mga kabataan sa mga taong di naman personal na kilala.

Ang Facebook at iba pang social networking sites tulad ng iba pang teknolohiya at imbensyon ay may dalang kabutihan at mayroon din namang masamang naidudulor. Ngunit nasa tao pa rin ang desisyon kung paano nya ito gagamitin. Maging maingat sa bawat paggamit ng anumang bagay lalo na tulad ng Facebook na sa isang click ay maaring baguhin ang buhay ng panghabambuhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s