Maguindanao Massacre: Ikalawang Taon ng Kawalang Hustisya!

image

Malapit na naman ang Nobyembre 23, at sino ba naman ang makakalimot sa petsang ito?

Nobyembre 23, 2009 ng mangyari ang isa sa pinakakarumal-dumal na pagpatay sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Maguindanao Massacre. Ang mga suspek, ang pamilya Ampatuan. Isa sa pinakamaimpluwensya at makapangyarihang angkan sa rehiyon ng Mindanao. Ang mga biktima, ang pamilya ng karibal sa pulitika na pamilya Mangudadatu at kasama ang mga media personalities na inimbitahang i-cover ang pag-file ng pagtakbo bilang gobernador ng probinsya ng Maguindanao na si Ismael “Toto” Mangudadatu. Ang resulta, 57 ang patay na inilibing sa isang mass grave kasama ang mga sasakyan.

Sa kasalukuyan ay dinidinig pa rin ang kaso na hawak ng isang babaeng huwes na si Judge Jocelyn Solis-Reyes. Nauna ng tinanggihan ng mga naunang Judge ang nasabing kaso dahil sa takot na maaring dalhin nito sa kanilang buhay. Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ngunit napakabagal ng hustisya dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nasisimulan ang paglilitis sa iba pang akusado.

Ayon pa sa mga eksperto sa batas ay maaring abutin ng napakatagal na panahon ang paglilitis dahil sa dami ng mga testigo. Bukod pa dito ang mga sadyang pag delay sa kaso ng mga abogado ng depensa bilang taktika.

Mabilis ngang makalimot ang mga Pilipino sa mga pangyayari sa ating bansa. Parang kailan lang ay magdadalawang taon na ang nasabing kaso na ang ugat ay PULITIKA, agawan sa kapangyarihan. Lahat gustong mamuno at ayaw ng umalis sa pwesto. Ang kawawa sa tunggaliang ito ay ang mga inosenteng sibilyan na nadadamay sa gulo na pati buhay ay kinikitil na parang hayop.

Maraming aral ang dapat matutunan sa nabanggit na krimen tulad ng mga sumusunod:
1. Matagal ang proseso ng hustisya ng Pilipinas, inaabot ng ilang taon ang paglilitis at malaking pera ang ginugugol sa pagpo-proseso ng mga kaso.
2. May mga taong pumapatay talaga mapanatili lang nila ang sarili sa pwesto.
3. Kapag makapangyarihan ang isang tao sa isang lugar ay nagagawa niyang kontrolin ang buong bayan. Wala siyang takot pumatay.
4. Nakakapagtaka na tinatangkilik pa rin ng mga tao ang ganitong klase ng mga pulitiko. Patuloy nilang iniluluklok sa pwesto hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong Pilipinas.
5. Walang mayamang kriminal ang basta umaako sa krimen. Maliban na lang kung talagang may ebidensyang hindi nya kayang itanggi ito. Gagawa at gagawa sila ng paraan upang makalusot sa kaso.
6. Kung anong lupit at sama ng tao habang pumapatay ay siya namang bait nito kapag nahuli na at iniimbestigahan.
7. Dapat ng isabatas ang Anti-Political Dynasty Law. Masyadong nakokontrol ng mga iilang pamilya ang ating bansa. Ang kasamaan ng kanilang mga magulang ay namamana lang ng anak nito na tila pinamamanahan ng trono.
8. Ang Maguindanao masaker ay ilan lang sa mga krimen at pangyayaring mainit na pinag-uusapan pero kalaunan ay nawalan na rin ng ingay makalipas ang ilang taon.

Dapat mapagmatyag ang tao sa mga pangyayari sa ating bansa. Bilang pangkaraniwang tao ay wala tayong magagawa sa ganitong mga pangyayari. Pero may sandata naman tayo para maiwasan ito. Nasa demokratiko tayong bansa at ang pagboto ang ating armas. Huwag nating iboto ang mga pulitikong may pag-uugaling katulad sa mga ito pati na ang kanilang mga kakampi.

Kung hindi, marami pang Ampatuan Massacre ang mangyayari sa mga susunod na taon at henerasyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s