Pacquiao vs. Marquez III: Manny wins by Majority

image

Panalo na naman si Manny Pacquiao sa katatapos lang na laban nila ni Juan Manuel Marquez via majority decision: 116-112; 115-113; 114-114. Hindi naging madali ang laban na ito para kay Pacquiao. Ito na ang ikatlong pagkakataon na tinalo ni Pacquiao si Marquez.

Mistulang blockbuster na pelikulang inabangan ng mga manonood ang pangatlong laban ni Manny Pacquiao kontra kay Mexican Boxer Juan Manuel Marquez.

Matatandaang dalawang beses ng tinalo ni Pacquiao si Marquez pero ang huling laban nito ay split decision ang nangyari. Kayat dito sa pangatlong laban ay gustong tuldukan ni Manny ang mga agam-agam sa kanyang panalo laban sa huli.

Bago pa man ganap na mag-umpisa ang laban ng dalawa ay patuloy sa pagdating ang mga tao sa libreng venue ng nasabing palabas sa ibat-ibang dako ng bansa. Tila tumitigil sa pag-ikot ang mundo ng mga Pilipino tuwing may laban ang tinaguriang Pambansang Kamao. Karamihan sa mga manonood ay pawang mga kalalakihan, meron ding mga kabataan at ilang kababaihan.

Excited ang lahat sa nasabing laban. Si Pacquiao ay kasalukuyan ding miyembro ng mababang kapulungan ng kongreso bilang Representative ng Sarangani Province.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s