“Beerhouse” First Timer

Minsan ay nagkayayaan sa aming trabaho na magpunta sa lugar na ito, mas kilala ng bayan bilang “beerhouse”. At hindi naman lingid sa mga katrabaho ko na di pa ako nakakapunta sa ganung klaseng lugar. Ako kasi yung tipo ng tao na mabait, yun bang pagkatapos ng klase ay derecho ng bahay nung estudyante pa lang ako at ngayong nagtatrabaho na, trabaho at bahay lang talaga. Depende na lang kung may bibilhin sa mall o pupuntahan na di matanggihan. Hindi kasi ako yung tipong mahilig lumaboy.

Sa madaling salita ay natuloy nga kami. Paglabas ng trabaho (dahil alas dos ng hapon hanggang alas diyes ng gabi ang pasok namin sa trabaho) ay saktong-sakto lang ang “gala” namin. At pumunta na nga kami. Mga dalawang sakay din bago nakarating sa bahay na may kumukutitap at patay sinding ilaw kahit di naman pasko at hindi rin naman disco-han. Excited talaga akong makapasok at may halong pagkailang, ganun talaga siguro pag first time at puno pa ng kainosentehan sa mundo. Ngunit hindi pa pala kami tutuloy. Sabi ng tropa ko ay inom daw muna kami sa labas habang may hinihintay pang mga kasama. At ganun na nga ang nagyari. Inom muna ng kaunti hanggang sa dumating yung tropa. Hirap akong ubusin yung maliit na bote ng beer.

Lampas alas dose na ng gabi ng makapasok kami. Wala pang gaanong kustomer, mangilan-ngilan pa lang. Kaunti pa lang talaga. Maraming bakanteng misa. May pagkamanyak ang kasamahan namin sa trabaho, pumuwesto pa talaga kami sa tabi ng stage. Yung lugar kung saan rumarampa ang mga modelo. Para daw kita namin (ang alin naman kaya, sa isip ko lang). Maya maya pa ay may dumating na inumin sa mesa namin. At habang tumutungga kami ay nagsimula na ang trabaho ng mga GRO. Rumampa ito, may mga seksi lang talaga ang suot, mga parang inosente at bata pa ang nga hitsura. Parang nang-aakit kahit hindi naman. Pagkatapos ng pagrampa ay ibinugaw naman ito ng kanilang “mamasang” sa mga kalalakihan na nandoon. At kapag pumayag ka na i-table sila ay may pipirmahan kang papel. Dagdag sa bill. Hudyat na iyon na iti-table mo ang babae. At kapiling mo siya habang may iniinom na ladies drink. Kapag ubos na, aalis na ito, may kamahalan ang presyo ng inumin na iyon. Pero habang nasa piling mo siya ay maari mo naman itong hipu-hipuan. Tulad na lang ng ginawa ng isa kong katrabaho dun sa babaeng itinable niya. Bukod sa simpleng hipo sa mga maseselang parte ng katawan ay pinaglaruan pa nito ang kambal na bundok sa hilagang Luzon.

Napapansin ko rin na habang lumalalim ang gabi ay parami ng parami ang mga parokyano dito.

Sa may katabi lang namin halos ay merong tinatawag na VIP room. Mahal ang charge sa nasabing room. Pwede mo kasing dalhin doon ang iti-table mo kung naiilang ka at bahala na kayong mag-usap. Pero hindi lahat ng babae sa beerhouse ay pumapayag sa ganung set-up. Meron talagang kuntento na sa pagpapahipo, kumbaga hanggang doon na lang ang pinakamalalang pwede nilang gawin.

Pagkatapos ng unang batch ng mga sumasayaw ay meron pang mga kasunod na sumayaw at ang musika ay talagang sumasaliw sa kilos nila. Yung mga sumunod na sumayaw ay topless na. Nakatambad ang kanilang ipinagmamalaki at masasabi ko na may asset nga ang karamihan sa kanila.

Hanggang sa lumabas na ang pinaka bituin ng gabing iyon. Kakaiba ang suot nito. Yun bang parang dancer talaga. Nakasuot ng bota at may talent ito sa pagsasayaw. Lumalagabog ang entablado sa tuwing mag-e- split ito dahil sa bota nitong suot. Bihasa rin ito sa pole dancing. Walang sinabi ang mga sumasayaw sa TV. Napaisip tuloy ako, bakit kaya di na lang mag-artista ang mga ito. Tutal mahitsura naman at may talento.

Maya-maya pa ay may mga panibagong kasama itong dancer. Sumasayaw ng sexy dance number at may hinila itong audience papunta sa parang entablado na sinasayawan ng mga ito. At ang ginawa nito ay………..dapat ko bang banggitin dito yun??????????? sige na nga. Nakasuot lang ang lalaki ng short. Hinubad iyon pati na ang brief nito at ginawa ang BJ. May DJ pang nangangantiyaw at tila nang-uudyok.

Mag-uumaga na ng makaalis kami sa lugar na iyon. Di na muna kami umuwi at sa halip ay nagpaumaga na. Kumain ng aros kaldo sa may kalapit na karinderya at uminom ng kape.

Nang araw na iyon ay may natutunan ako. Nawala rin ang kainosentehan ko sa mundo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s