Arroyo pinayagan ng lumabas ng bansa ng SC

Sa botong 8-5 pabor sa mga Arroyo pinayagan na ng Supreme Court na lumabas ng bansa para magpagamot si dating pangulong Arroyo at ngayon ay kasalukuyan ding kumakatawan sa distrito ng Pampanga.

Nauna ng inisyuhan ng Department of Justice sa pamumuno ni Sec. Leila de Lima ng watchlist order ang mag-asawa dahil sa mga agam-agam na di na ito bumalik ng bansa at tuluyang matakasan ang mga kasong kahaharapin nito.

Matatandaang karamihan sa mga miyembro ng Supreme Court ng Pilipinas ay itinalaga ng dating pangulo at nakailang beses na ring sinupla nito ang mga patakaran ng kasalukuyang presidente na si Benigno Aquino.

Ang dating pangulo ay kasalukuyang iniimbestigahan sa kasong electoral sabotage dahil umano sa pandaraya nito sa eleksyon noong 2004 at 2007. Sinasabing and dapat na nanalo noon ay ang namayapang si FPJ.

Una ng napatunayang peke ang mga election return sa Maguindanao kung saan ay nagbitiw ang nanalong senador na si Miguel Zubiri at pinalitan ng nagprotestang si Koko Pimentel.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s