Naruto

image

Sikat na sikat ang anime’ series na Naruto: Shippuden sa mga kabataan. Hango ito sa Naruto Manga isang obra ng Hapones, pero lipas na yata ang pagkabata ko, dahil aaminin kong wala akong ideya sa animeng ito maliban sa pamagat nito na madalas ay bukambibig ng mga kabataan.

Nasa kolehiyo na kasi ako noong sumikat ito at hindi na rin ako interasado sa mga anime’ bagamat ang mga ka-batch ko ay may hilig pa rin dito.

Ngayon ay naging “curious” ako kung bakit patok na patok ito sa mga kabataan. Naalala ko tuloy ang mga anime’ na kinahiligan ko noong tinedyer pa ako. Ghost Fighter, Dragon Balls Z, at ang maalamat na Voltes V. Ito ang mga animeng minsan kong kinasabikang panoorin sa telebisyon.

Kayat sa ngayon ay minabuti kong magsaliksik tungkol sa tanyag na anime’ series. Tinanong ko ang nakababata kong kapatid tungkol dito at tulad ng inaasahan ay alam na alam niya ito. Maganda raw ang kwento at iba-iba ang episodes. Mas maganda raw abangan sa internet dahil tuloy-tuloy hindi tulad sa telebisyon na napuputol kapag nasa kalagitnaan na ito. Kasabayan halos nito ang Bleach, One Piece at iba pang anime’ na hindi ko talaga maunawaan. Kayat minabuti ko na ring tapusin ang pagsusulat ng artikulo tungkol dito.

Mahirap talagang magsulat ng isang bagay na wala kang alam lalo na kung masyadong teknikal ang usapan. Tulad na lang ng Naruto na sikat sa mga kabataan pero sa isang tulad ko ay hindi. Iniisip ko na lang at iniintindi na dati ay tulad rin nila ako na humanga sa mga anime’ series at mga karakter nito na malayo sa katotohanan.

Ang buhay talaga ay parang anime’. Mahirap maunawaan kapag wala ka sa tunay na kalagayan. Ang Anime rin ay hindi mo kakahiligan at maiintindihan ang kwento kung wala ka na sa kabataan.

*image from: mangafox.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s