Pulubi sa Kalsada

Magpapasko na naman at kapansin-pansin ang pagsulputan ng mga pulubi sa kalsada. Karamihan sa kanila ay mga batang Badjao na sumasakay sa jeep at namimigay ng sobre, sabay magtatambol ng “drum” na animoy yari sa kahoy habang kumakanta ng awitin sa diyalektong Badjao.

Nakakaawa ang kanilang kalagayan. May mga musmos pa talaga na kabataan, siguro mga edad pito hanggang siyam na taong gulang. Meron din namang dalagita at binatilyo na. May mga nagbibigay ng barya habang meron din namang walang pakialam. Sino ba ang dapat na tumulong sa mga taong ito? Bakit tila bulag ang ating gobyerno sa pag-aruga sa mga taong katulad nila na umaasa na lang sa pamamalimos? Ano ba ang dapat na gawin ng gobyerno sa mga katutubong naligaw sa lungsod?

Marami ng nagdaang administrasyon ngunit sa tagal ko na ring pananatili sa Maynila ay tila naging bahagi na ang mga pulubing ito ng kalunsuran. Tila wala na silang pag-asang bumangon sa kanilang kinalulugmukang sitwasyon.

Tungkulin ng pamahalaan na ibangon ang ganitong klase ng mga tao. Malaki ang kanilang responsibildad na tulungan ang mga taong pulubi, mga nagugutom at namamalimos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s