Andres Bonifacio

image

Madalas ay nagiging paksa si Andres Bonifacio tuwing sumasapit ang ika-30 ng Nobyembre. Nagiging tampok ang kanyang kabayanihan at kagitingan tuwing sumasapit ang araw na ito.

Maraming parangal at pagkilala ang naibigay sa kanya. May mga eskwelahan, kalye at kalsada, lugar, kampo ng sundalo at maging ospital ang ipinangalan sa kanya. Ngunit sino nga ba siya sa mata ng pangkaraniwang Pilipino?

Batay sa itinuturo sa eskwelahan ay masasabing siya ay isang matapang na tao, isang katipunero at ngayon ay kinikilalang bayani ng ating lahi. Hindi tulad ni Rizal na nagmula sa mayamang angkan, si Bonifacio ay walang tinapos na kurso. Pero siya ay mahilig magbasa ng aklat at isa sa kanyang paboritong basahin ay ang History of French Revolution. Bantog rin siya sa pagsulat ng sanaysay na “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog”. Bukod dito ay halos wala na akong matandaan.

Ay meron pa pala, ang paraan ng kanyang kamatayan. Isang bahagi ng ating kasaysayan na hindi katanggap-tanggap at pilit na pinagtakpan at itinago ng mga manunulat ng ating kasaysayan. Si Bonifacio na isang kinikilalang magiting na bayani ng ating lahi ay namatay sa pamamagitan ng firing squad ng grupo ni Emilio Aguinaldo na isa ring bayani. Ang dahilan-PULITIKA. Nakakalungkot isipin na ang isang bayani ng bansang Pilipinas ay namatay sa kamay ng kapwa Pilipino na pinamumunuan ng isa ring ideneklarang bayani. At ang dahilan ay pulitika, agawan sa kapangyarihan.

Kung iisipin natin at maitatanong sino nga kaya ang masasabi nating Andres Bonifacio ng makabagong panahon? Maaring si Senator Lacson o si Senator Honasan. Maaring si Trillanes o si Senator Enrile o maaring hindi sila. Maaring ang mga nabanggit ay taliwas at hindi karapat-dapat na mabanggit o maihambing man lang sa kanya. At si Emilio Aguinaldo kaya? Maaring si ex-President Ramos o si Pnoy.

Ay naku! halos walang pinagkaiba ang ating mga nakaraang pinuno sa kasalukuyang mga nanunungkulan. Lahat gustong mamuno. Lahat sila gusto ng kapangyarihan.

Si Bonifacio na kinuwestyon ang kakayahang mamuno dahil sa walang pinag-aralan ay walang pinagkaiba sa mga nagnanais na tumakbo sa eleksyon na idinideklarang “nuisance” dahil sa kakulangan sa makinarya at pera. Si Aguinaldo naman ay maituturing sa kasalukuyang panahon bilang isang opisyal ng gobyerno na walang magawa kundi sumunod sa nais ng nakakataas kundi walang matatanggap na suporta o biyaya mula sa pamunuan. Maikukumpara rin siya sa isang matinong pulitiko na nadadala na ng maruming agos ng pulitika.

Matoto sana sa kasaysayan ang bawat Pilipino tulad ng naging buhay ni Andres Bonifacio. Sinasabi ngang kung ano ang nakaraan ay malaki ang epekto nito sa kasalukuyan. Sa ngayon ay hindi nga maganda ang kasalukuyan nating kalagayan at mga pangyayari, ito marahil ang epekto ng nakaraang kasaysayan. At dahil hindi maganda ang kasalukuyan natin, malamang ay hindi rin magiging maganda ang kinabukasan.

Mas marami pang makabagong Andres Bonifacio ang ating kailangan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s