Hacienda Luisita ng mga Magsasaka

image

Matapos ang ilang taong paghihintay ay sa wakas mapapasakamay na rin ng mga magsasaka ang lupaing kanilang ipinaglalaban bilang bahagi ng CARP o Comprehensive Agrarian Reform Program. Sa botong 14-0 ng kataas-taasang hukuman pabor sa mga magsasaka ay inuutusan nito ang mga responde na ipamahagi na ang lupain ng Hacienda Luisuta. Matatandaang naging kontrobersyal ang nasabing lupain dahil sa madugong dispersal nito sa mga ralyista na ikinamatay ng ilang miyembro nito. Ibinasura ng korte ang tinatawag na “stock distribution” na hirit ng mga may-ari ng nasabing lupain. Ang programa ay naglalayon na bigyan ng parte ang mga miyembro ng magsasaka ng sapi sa kumpanya at kikita sila base sa kikitain ng nasabing kumpanya sa halip na ibigay ang parte ng mga lupa.

Ang pamilya Cojuangco na direktang kamag-anak ng kasalukuyang pangulo ang nagmamay-ari ng nasabing lupain. Nauna na ng ibinenta ng pamilya Aquino ang sapi nila sa nasabing malawak na hacienda. Isa rin ito sa ibinatong isyu sa pangulo kahit noong kumakandidato pa lamang siya at maging sa kasalukuyan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s