Green Rooftop

image

image

Palipat-lipat ako ng istasyon ng telebisyon upang maghanap ng magandang programa nang pumukaw sa atensyon ko ang isang artikulo ng balita sa isang hindi kasikatan na istasyon ng telebisyon sa bansa. Ito ay may kinalaman sa “green rooftop” na ginagawa sa ibang bansa.

Napahanga ako sa proyektong ito ng ibang bansa. Napakalaking tulong kasi hindi lamang sa kagandahan ng kapaligiran kundi sa kalikasan na rin. Ang konsepto ng nasabing proyekto ay ang gawing halamanan ang bubungan ng mga kabahayan at gusali sa kalunsuran. Malaking kabawasan sa sobrang init na nararamdaman ng mga tao ang nasabing proyekto. Alam naman ng lahat na halos kakaunti na lang ang mga puno at halaman sa mga lungsod hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Bukod sa napakagandang tanawin na malilikha nito, magiging pugad din ito ng mga paru-paro at iba pang insektong mahalaga sa pagpapanatili ng balanseng ekolohiya ng kapaligiran. Malaking tulong din ito para malabanan ang lumalalang epekto ng global warming at sa pagkakaroon ng suplay ng pagkain ng mga tao dahil maari ng pagmulan ng pagkain ang mga nasabing pananim na nasa bubungan lang. Dito sa ating bansa ay may mga nakikita akong bahay ng mga may-kaya na may hardin sa ikalawa o ikatlong palapag ng bahay. Isa itong halimbawa na kaya ring gumawa ng mga Pilipino ng katulad na proyekto.

Sa mga darating na panahon habang tumatanda ang mundo ay nagiging sakitin na ito sanhi na rin ng hindi maayos na pangangalaga ng mga tao sa mga kalikasan nito. Ang pagkakaroon ng green rooftop ay isang lunas na maaring makagamot sa lumalalang sakit ng ating inang kalikasan. Marami pang katulad nitong proyekto ang sana ay maisipan ng mga tao.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s