Totoo kaya ito?

“Sa Saudi, maski ang mga lalaki ay niri-rape, at ang kanilang rapist ay hindi babae kundi lalaki rin!”, ito ang madalas kong marinig na kwento patungkol sa buhay ng mga kababayan nating Pilipino na nagtatrabaho sa bansang Arabo.

Hindi ko lubos maisip ang eksena habang ang isang lalaki ay ginagahasa ng kapwa lalaki. Paano at ano ba ang nangyayari? Sa palagay ko lang ay para ka na ring pinatawan ng parusang kamatayan kapag nagahasa ka (hehehe!). Ayon pa sa mga sabi-sabi diumano ay kailangang magpatubo ng balbas at bigote ang isang lalaki upang sa gayon ay hindi mapagkamalang babae at magahasa. Ang mga Arabo raw kasi sa Saudi Arabia ay uhaw pagdating sa “sex”. Mahal daw ang bayad sa babae o iyon bang “dowry” na ibinibigay sa magulang bago pakasalan ang isang babaeng aasawahin. Mahigpit din ang batas sa kanila. Walang mga bahay-aliwan na pwedeng pagparausan ng kakaibang init ng katawan. Minsan nga ay may nagkwento pa sa akin. Malungkot daw ang buhay sa lugar na iyon. Ayon sa dati kong kasamahan sa trabaho na may kalandian (lampas pa raw sa poste ng Meralco kung pagdudugtungin ang ari ng mga lalaking tumikim sa kanya, at heto ang malupit, kung gusto nyong malaman ang hitsura niya ay masasabi kong pangit siya. Hindi ka magdadalawang isip sa sagot kapag pina-describe sayo. Hindi pwede yung sagot na okey lang. As in pangit talaga hitsura niya, guilty beyond reasonable doubt ika nga ng hatol ng huwes) para raw siyang naging anghel sa loob ng dalawang taon. Masasalamin naman sa mga Muslim nating kababayan ang kanilang kaugalian. Ang mga babae ay balot ng tela at pawang mga mata lang ang nakikita. Minsan nga ay di ko lubos na maisip kong bakit sa gitna ng napakainit na panahon ay ganoon pa rin ang kanilang kasuotan.

Dapat bang paniwalaan ang ganitong mga kwento? O baka naman minsan lang may nangyaring ganito pero ikinalat na ng mga Pilipino. Likas sa atin ang gumawa ng mga sabi-sabi at mabilis na magpakalat ng mga kwentong hindi naman pala totoo. Mahilig tayong magpalaki ng isyu na wala namang kwentang pag-usapan. Hindi ako basta maniniwala sa naririnig ko lang. Ang kailangan ko ay ebidensya na maaring testimonya ng isang tao na nagahasa ng Arabo o pinagtangkaan. Ikaw, may alam ka ba? Magkwento ka naman.

1 thought on “Totoo kaya ito?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s