Vienna, Austria: Best City to Live in the World

image

Hindi pa ako nakakapunta sa Vienna, ang kabisera ng bansang Austria na matatagpuan sa silangang bahagi ng Europa. Isa lang akong pangkaraniwang tao at wala akong kakayahang gumastos para mangibang bayan lalo na sa malalayong bansa. Ang alam ko lang na kayang gawin ay magbasa ng mga kwento, at sabi nga sa isang kasabihan, sa pamamagitan raw ng pagbabasa ay maari tayong makapunta sa ibat-ibang lugar. Sa pamamagitan ng maayos na panulat at mga larawan ay maari nating maramdaman na tayo ay nakapunta na sa nasabing lugar kahit sa totoong buhay ay hindi pa.

Kamakailan lang ay inilahad ng Mercer Consulting ang resulta ng kanilang taunang serbey at lumabas nga na ang Vienna ang pinakamagandang lugar na tinitirhan ng mga tao sa taong ito 2011. Kahanga-hanga ang nabanggit na lugar at mga taong namamahala doon. Nakakainggit din para sa mga taong naninirahan sa nabanggit na siyudad. Paano kaya ang mamuhay sa Vienna? Paano nagsisimula at natatapos ang isang araw? Maraming ideya ang namuo sa isipan ko. Siguro ay napakalinis ng lugar, puno ng namumulaklak na halaman at sariwa ang hangin. Ang mga kabahayan ay maayos ang pagkakagawa at maganda ang mga disenyo. Malayo rin siguro sa banta ng terorismo at mababa ang insedente ng krimen, walang holdapan at patayan na mababalitaan. Maayos na naibibigay ng pamahalaan ang pangangailangan ng tao pagdating sa edukasyon, kalusugan, libangan at iba pang sosyal na pangangailangan. Lahat siguro ng pangunahing pangangailangan ay matatagpuan na sa nabanggit na lungsod at ang mga ito ay abot-kaya maging ng pangkaraniwang mamamayan nila. Ilan lang ito sa mga sumasagi sa isip ko tuwing mababanggit ang Vienna, Austria. At tama nga ang ideya ko dahil ayon sa ahensya ay ibinase nila ang serbey sa kalagayang pang-ekonomiya, politikal, sosyal at pangkapaligirang mga isyu.

Pumangalawa sa nasabing listahan ang Zurich na matatagpuan naman sa Switzerland. Tulad ng Vienna ay nasa mataas na posisyon din ang lungsod na ito sa mga nakaraang resulta. Kapansin-pansin din na ang mga nasa mataas na pwesto ay okupado lahat ng mga lungsod na mula sa mayayamang bansa. Ito ay makapagsasabi na malaki ang kauganayan ng kalagayan ng pamumuhay ng mga tao sa pang-ekonomikong kalagayan ng isang bansa. Para sa mga nasa mataas na posisyon, ito ay nagsasabing nasa tama silang gawain at landas habang iyong mga nasa ibaba ay isa itong basehan upang mas lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang pamamahala sa lugar.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s