Ang Paninigarilyo

image

Matagal ng ibinababala na masama ang paninigarilyo sa kalusugan ng tao. Ayon kasi sa mga pag-aaral ay nagtataglay ito ng mga kemikal na nakakapagdulot ng sakit na kanser at iba pa. Mismong ang mga doktor na mismo ang nagbabala laban sa mapanganib na epekto nito sa kalusugan.

Ngunit sa kasalukuyan ay talamak pa rin ang nasabing bisyo. Mismong pangulo ng Pilipinas ay hindi masaway sa paggamit ng sigarilyo. Ano ang nais na ipahiwatig nito? Ibig sabihin nito ay malala na ang pagkalulong ng mga tao sa nasabing bisyo, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Adiksyon ang tawag sa estado na kung saan ay patuloy na hinahanap-hanap ng isipan ang isang bagay. Ang mga taong nasa ganitong kalagayan ay nangangailangan ng sikolohikal at medikal na tulong upang mapatigil sa pagbibisyong ito. Kamakailan lang ay ipinalabas sa telebisyon ang tungkol sa grupo ng mga tao na tinanggalan ng “voice box” na tinatawag sa leeg dahil sa sakit. Ang resulta ay ganap na silang nawalan ng abilidad na magsalita ng normal. Sa ngayon sa tulong ng isang aparato ay nakakapagsalita sila ngunit hindi gaya sa normal na tao ay mistula silang mga karakter ng “Star Wars” kung ang boses ang pagbabatayan. Dahil sa may butas ang kanilang leeg upang makahinga ay marami na rin silang gawaing hindi maaring gawin gaya ng paglangoy. Ibat-iba ang dahilan ng isang tao kung bakit siya naninigarilyo. Meron nagsasabing pampawala ng pagod at meron din namang para maging sosyal tingnan, o para tanggap sa isang grupo. Alam naman ng lahat na walang mabuting naidudulot ang paninigarilyo. Ngunit ito yata ay bahagi na ng buhay ng isang tao at tanggap na rin ng lipunan at ng mundo. Karapatan din naman kasi ng isang tao ang mamili ng kanyang gawain, kung ito man ay mabuti o masama. Ang kailangan na lang sigurong gawin ay protektahan din ang karapatan ng mga hindi naninigarilyo upang hindi sila madamay sa masamang bisyong ito ng nakararami na maari nilang pagsisihan balang araw.

Hindi nagkulang ang pamahalaan sa paalala. Mismong nakalagay pa nga sa pakete ng sigarilyo ang paalalang “Cigarette Smoking is Dangerous to your Health”. Kung hindi man ito sapat ay ang mga nagkakasakit ng dahil dito ang makakapagpatunay na masama ang paninigarilyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s