Parusang Kamatayan o Bitay: Sang-ayon ka bang muling isabatas?

image

Matagal ng may debate tungkol sa pagpapatupad ng parusang kamatayan hindi lamang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo. Ito ay isyung pinagtatalunan hindi lamang ng mga mambabatas pati ng mga pangkaraniwang mamamayan.

Nararapat nga bang ipatupad ang nasabing parusa lalo na sa mga karumal-dumal na krimen? Ang idinadahilan ng mga pabor sa pagpapatupad nito ay upang diumano ay magkaroon ng takot ang mga nagbabalak na gumawa ng krimen. Sa pamamagitan daw nito ay magkakaroon ng tahimik at payapang komunidad ang mga tao. Pero ito naman ay taliwas sa paniniwala ng kontra sa pagpapataw nito. Ang katwiran naman nila ay hindi napatunayan na sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng maayos at mapayapang kapaligiran. Dagdag pa nila ay hindi ito makatao at malaking kasalanan sa Diyos. Ang buong mundo ay hati sa magkaibang paniniwalang ito. Habang ang mga bansang nasa Europa ay nagkakaisa sa pagtanggal ng parusang kamatayan, ang karamihan naman ng mga bansa sa Asya ay mahigpit pa ring ipinapatupad ito. Maging ang ilang estado sa bansang Amerika ay pinapanatili ang nabanggit na kaparusahan. Dito sa Pilipinas ay minsan na itong naipataw. Naging bahagi na ng kasaysayan ang binitay na si Leo Echegaray at ilan pang Pilipino. Noong panahon ng dating diktaduryang Marcos ay mahigpit din itong naipatupad. Sa pagpapatupad nito ay minsan pang napatunayan na wala nga itong kinalaman para magkaroon ng maayos na komunidad at bumaba ang krimen. Hinati nito ang bansang Pilipinas. At wala rin itong kinalaman sa pag-unlad ng isang bansa. May mga bansang maunlad na wala nito pero meron din namang mayaman na mayroong kaparusahang ito. Ang debate sa isyung ito ay magpapatuloy hanggat nananatili ang parusang kamatayan sa mundo.

Ang parusang kamatayan ay isa lang sa isyung panlipunan na humahati sa paniniwala ng mga tao. Mabigat ang parusang kamatayan kayat ito ay dapat pag-isipang mabuti. Ang buhay ng isang tao ay mahalaga at biyaya ng Diyos. Gayunpaman nararapat ding irespeto ang paniniwala ng ibang bansa na naniniwala sa pagpapatupad ng nasabing parusa. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon pa rin ng pagkakaisa at ugnayan sa mundo sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga paniniwala.

See related article in English versio.

Death Penalty

1 thought on “Parusang Kamatayan o Bitay: Sang-ayon ka bang muling isabatas?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s