Bayaning Pulis

Kahanga-hanga ang ipinamalas na kabayanihan ni PO2 Dela Rea, isang pulis na nakadestino sa Cavite at nagbakasyon lang sa Iligan. Ayon sa ulat ay nagawa nitong maisalba ang buhay ng mga kapitbahay at kanyang pamilya laban sa flash flood na naganap kamakailan sa nasabing lugar. Walang pag-aalinlangan na kanyang tinulungan ang mga ito kahit noon lamang niya nakita at nakilala. Sa kanyang ginawa ay pinarangalan siya ng pamunuan ng Philippine National Police ngunit higit sa parangal na ito ay ang paghanga ng mga Pilipino at pagpapatunay na marami sa miyembro ng kapulisan ay nakahandang tumulong anumang oras at pagkakataon.

Sa ginawang ito ni Dela Rea ay saludo sa kanya ang buong mundo. Ito ay isang patunay na marami pa rin sa ating kapulisan ang matitino at nakahandang tumulong sa oras ng pangangailangan.

*image: courtesy of Philstar.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s