Enero: Ang Unang Kabanata

Tulad sa isang nobela ang isang taon ay may panimula at ito ang buwan ng Enero. Sa buwang ito nagsisimula ang bagong buhay ng mga tao kaakibat ng pag-asa na muling malampasan ang mga pagsubok buong taon. Maaaring hindi maganda ang panimula ng taon. Halimbawa na lamang nito ay ang mga aksidente at disgrasyang idinudulot ng paputok sa pagsalubong dito ngunit tulad sa isang nobela maaaring sa susunod na kabanata ay maging maganda na ang kwento. Ngayon nga ay patapos na ang unang kabanata ng taon, ang buwan ng Enero. Bakit hindi balikan ang maikling panahong lumipas? Habang maaga ay maaari pa nating mabago ang takbo ng kwento, ang istorya ng buong kabanata. Hindi bat sinalubong natin ng buong galak ang taong ito. May mga naaksidente sa pagpapaputok. Hindi na bago ang ganitong eksena tuwing magsisimula ang bagong taon. Gumimbal rin sa atin ang landslide sa Compostella Valley. Hindi na rin bago ang balitang ito. Marami na ang nauna sa kanila, natabunan ng lupa at hindi na nahanap pa. Naging matunog rin ang usap-usapan tungkol sa Sex Video ng yumaong Ramgen Revilla at ng kasintahan nitong si Janelle Manahan. Hindi pa man nagsisimula ang bagong taon, alam na natin ang magiging takbo ng pulitika sa bansa. Mainit pa sa kape ang usapin tungkol sa Impeachment trial ng punong mahistrado ng kataas-taasang hukuman na si Renato Corona. Tulad rin ng dati sa pagsisimula ng bagong taon ay inaabangan ang pagdiriwang ng Kapiyestahan ng Quiapo o mas kilala bilang Feast of the Black Nazarene. Maraming deboto ang nagtiis na magsakripisyo bilang panata. Umaasa ng isang himala na maaaring makapagpabago sa kanilang buhay. Siyempre hindi rin papatalo ang mga deboto ng Sto. Nino, halos magkasunod lang kasi ang dalawang kapistahan. Buong bansa halos ang nagdiwang sa nabanggit na kapiyestahan. Bawat lugar ay may kanya-kanyang pagdiriwang. Sadyang napakarami ng mga pangyayari sa buwang ito, may masaya at meron ding malungkot. Patapos na nga ang Enero, ang unang kabanata ng taon, pero ang totoo niyan ay nagsisimula pa lang ang buhay natin sa loob ng isang taon tulad sa isang nobela na binubuo ng labindalawang kabanata. Maari pa nating mabago ang istorya sapagkat kabilang tayo sa may-akda ng kwento. Pwede pa nating pagandahin ang bawat kabanata upang mas maging kapana-panabik sa mambabasa ang nobela ng ating buhay. Sa pagtatapos ng buwan ng Enero, magsilbi sanang aral ang mga pangyayari sa nagdaang buwang ito upang mas lalo nating mapagyaman ang susunod na kabanata, ang buwan ng Pebrero.

Posted from WordPress for Android

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s