Ang Muling Pagbabalik

Matapos ang mahigit isang buwang pananahimik ay nandito na ulit ako at muling nagbabalik sa pagba-blog. Ang totoo nyan ay hindi naman talaga ako namahinga sa libangang ito. Naligaw po ako ng landas at nagawi sa isa kong blog na Ingles na matagal ko na ring inabandona.  Masyado akong nalibang sa pagsubok kong muli sa kakayahang magsulat sa nabanggit na wika, bagamat aaminin kong mahina talaga ako sa larangang iyon. Ginalugad ko ang iba pang mga blog sa blogosphere at maraming bagay ang aking napansin. Isa na rito ay ang uri ng pagsusulat ng mga blogger. Napansin ko lang na dito sa Tagalog WordPress ay kapansin-pansin ang pagiging “artistic” ng mga akda ng halos lahat ng blogger samantalang sa Ingles naman ay kalimitang mga “informative” ang artikulong sinusulat nila. Isa pa sa natuklasan ko ay ang katotohanang pwede ka palang kumita sa pagba-blog. Nakakatuwang isipin na ang libangan ay pwede palang pagkakitaan, (walang amo at walang “pressure” ok to ah!). Kaya lang ay hindi madali ang nasabing pamamaraan para kumita. Ayon sa ibang mga professional blogger, taon ang binibilang para kumita sa pagba-blog. Kailangan ding maglaan ng budget para sa pagbili ng sariling “domain name” at buwanang “web hosting”. Ang mas higit na nakakatuwa ay ang marami kang makikilala na pawang mga blogger din. Mas maraming kaibigan na blogger, mas marami kang matututunan sa pagba-blog at sa totoong buhay. Sa aking pananaw ay mas ligtas ang makipag-kaibigan sa komunidad ng mga blogger kumapara sa mga Social Networking Sites. Karamihan kasi sa mga blogger ay matitinong tao, malalim ang pag-iisip at mapagkakatiwalaan (sana nga lahat hehehe!) Naitanong ko rin, bakit kaya marami ang nagba-blog samantalang wala namang nakukuha sa libangang ito? Bakit kaya napakabait ng WordPress at libre lang ang kanilang serbisyo sa pagho-host ng isang blog? Ilan lamang ito sa mga katanungang nasagot ko at natuklasan sa mahigit isang buwan kong pag-alis dito sa “bayangpilipinas”.

Heto ako muling nagbabalik. Ang muli kong pagbabalik sa “bayangpilipinas”- ang nag-iisa kong blog sa wikang Tagalog.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s