Philippine National Red Cross, mistulang pulubi sa MRT at LRT

Ang Philippine National Red Cross ay ang pinakarespetadong organisasyon sa bansa. Isa ito sa mga hinahangaan kong organisasyon. Tuwing may kalamidad, sila lagi ang unang rumeresponde at tumutulong sa mga tao. Ang Philippine National Red Cross ay kilala rin sa pagsagip sa buhay ng mga tao sa pamamagitan ng blood donation drive nito. Wala akong maipipintas sa organisasyong ito hanggang sa isang araw ay muli akong mapasakay sa MRT. Sa totoo lang ay matagal ko na rin itong napapansin sa LRT noon at akala ko ay panandaliang fund raising activity lang nila.

Red CrossNgunit nito lamang nakaraang araw ay napansin kong muli ang kanilang lata na may nakabantay pang tauhan nila na unipormado. Bagamat hinahangaan ko ang nabanggit na organisasyon, tila hindi maganda sa aking pananaw ang mistulang pamumulubi ng organisasyong ito. Habang nagbabayad kasi ang mga pasakay na pasahero sa MRT ay may mga tauhan sila na nanghihingi ng donation sa mga pasahero sa pamamagitan ng pagsabi ng “Sir konting donation lang po para sa Red Cross”. Ang organisasyon tulad ng Philippine National Red Cross na kilala sa pagtulong at pagsagip sa buhay ng mga Pilipino ay nangangailangan din ng tulong pero mas makabubuti sigurong sa ibang pamamaraan nila ito gawin. Nagmimistula kasi silang pulubi at sa aking opinyon ay nakakababa ng respeto sa isang organisasyon.

Bakit hindi nila subukan ang dati na nilang ginagawa tulad ng mga fun run o kaya naman ay pagsabihan nila ang kanilang tauhan na huwag naman magmistulang pulubi. Hayaan na lang sana nila na nakalagay ang lata doon. Marami ang nakahandang tumulong sa Philippine National Red Cross at kahit hindi nila sabihan ang mga pasahero ng MRT at LRT na magbigay ng kaunting donasyon, magbibigay ang mga ito ng taos sa kanilang puso.

*larawan mula sa restyo.blogspot.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s