North Korea: Banta sa Mundo

Hindi naging matagumpay ang pagpapalipad ng rocket ng North Korea. Ayon sa ulat agad ring bumagsak ang nasabing rocket malapit sa teritoryo ng nabanggit na bansa ilang minuto lang matapos itong pumaimbulog sa kalangitan. Kinondena ng ilang bansa ang nasabing pagpapalipad ng rocket kasama dito ang Amerika at ba pang bansa sa paniniwalang isa itong uri ng ballistic missile testing. Nauna ng sinabi ng North Korea na sa mapayapang pamamaraan lamang nila ito gagamitin at ito ay ang paglulunsad ng isang weather satellite.

Ano nga ba ang papel ng North Korea sa mundo at tila ba ay kinatatakutan ang bawat hakbangin nito? Ang North Korea ay ilang beses nang nagsagawa ng nuclear weapon testing. Isa itong uri ng weapon of mass destruction na sa isang pag-atake lang ay maaaring makapatay ng libong katao katulad ng nangyari sa Nagasaki at Hiroshima, Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tanging limang bansa lamang na nanalo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang pinapayagan na magkaroon nito na kinabibilangan ng Russia, USA, UK, France at China. Pero sa kasalukuyan ay meron na rin nito ang bansang Israel, Pakistan at India. Pinaniniwalaan rin na nagsasagawa ng paggawa nito ang bansang Iran. Mahalagang makontrol ang paglaganap ng armas na nukleyar dahil ito ay banta sa siguridad ng sangkatauhan. Kung magkakaroon nito ang bawat bansa ay tiyak na di maglalaon ay muling magagamit ang nasabing armas na magdudulot ng malubhang pinsala. Hindi dapat hangaan ang ginawang pagpapalipad ng rocket ng North Korea at marapat lamang na kondenahin. Sa ginawang ito ng North Korea ay naapektuhan ang ilan nating kababayaan. Pansamantalang napatigil sa paghahapbuhay at nagkaroon ng pangamba sa buhay. Pinangangambahan na dahil sa pagpalya ng pagpapalipad ng rocket ay magsasagawa ng nuclear testing ang North Korea. Isa itong malinaw na banta sa seguridad ng mundo.

Ang North Korea ay isang malakas na bansa pagdating sa lakas-militar. Tinatayang milyon ang kasalukuyang miyembro ng kanilang sandatahan. Nararapat lamang na pigilan ng mundo ang masamang plano ng bansang North Korea. Minsan nang napatunayan ang pagiging agresibo nito ng kanilang sugurin ang katabing bansang South Korea. Hindi mapagkakatiwalaan ang bansang North Korea kayat dapat bilang isang bansa ay makiisa ang Pilipinas upang labanan ito dahil sa huli ay apektado rin tayo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s