Scarborough stand off

Muli na namang tumaas ang tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas dahil sa stand off sa pagitan ng Philippine Navy at Chinese Surveillance Ships. Ito ay sa kadahilanang pinigilan ng nasabing Chinese vessels ang Philippine Navy para dakpin ang mga mangingisdang pumasok sa teritoryo ng ating bansa. Ang Scarborough shoal ay isa lamang sa pinagtatalunang isla sa West Philippine Sea kasama ang Spratly Islands. Ayon sa bansang China ang nasabing isla diumano ay pag-aari nila samantalang ginigiit naman ng ating bansa na pagmamay-ari natin ang nasabing isla. Bukod sa Pilipinas at China ay ilang bansa pa ang umaangkin nito kasama ang Vietnam, Taiwan at iba pa.

Sino nga ba ang tunay na nagmay-ari sa nabanggit na isla? Ayon sa paliwanag ng China, ang halos lahat ng isla sa South China sea ay kanilang pagmamay-ari batay sa kasaysayan nila at bilang patunay nito ay ang 9 dash line map. Panahon pa diumano ng sinaunang dinastiya ay pagmamay-ari na nila ito. Halos ganito rin ang katwiran ng ilang bansa. Ibinase rin nila sa kanilang kasaysayan. Samantalang ang Pilipinas ay naaayon naman sa United Nation Convention of the Law of the Sea. Isang pandaigdigang kasunduan na kumikilala sa 200 nautical miles na layo ng dagat mula dalampasigan bilang bahagi ng isang bansa upang linangin at gamitin sa pang-ekonomiyang pamamaraan. Sa nabanggit na batas ay nakapirma rin ang bansang China at kanilang niratipikahan ayon sa Wikipedia bagamat taong 2006 ay umatras sa settlement dispute sa UNCLOS ang China. Alin nga ba ang mas matimbang? Ang kasaysayan ng isang bansa o ang isang pandaigdigang batas tulad ng UNCLOS? Ayo sa mga eksperto sa batas ng ating bansa, hindi kailanman mananalo sa Pilipinas ang bansang China kung sa usapang legal dadaanin. Sapagkat ang nine dash line map na tanging batayan ng China ay walang basehang international law. Ang nine dash map line ay taliwas sa UNCLOS na kung saan ay kinikilala ng higit na mas nakakaraming bansa sa mundo.

Hindi lamang ang Pilipinas ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon. Maging ang bansang Vietnam ay minsan ng nakabangga ang pwersa ng China. Kung sa lakas-militar ang pag-uusapan ay wala tayong panalo dahil sa maituturing na superpower ang China. Sa pag-iral ng batas mananalo ang Pilipinas at dito matatalo ang China. Malaking kasiraan sa mundo ang pagpupumilit ng China sa pag-angkin ng mga teritoryo sa Southeast Asia. Lumalabas kasi na inutil ang UNCLOS at mas nangingibabaw ang lakas ng isang bansa dahil sa militar at ekonomiya nito. Kung ganun ang mangyayari ay para ng kinonsente ng mundo ang paggawa ng armas nukleyar upang lumakas ang isang bansa upang katakutan din at hindi basta naaagawan ng pag-aari nito.

See related articles in English.

Scarborough standoff
China: the BIG coward
Why China is afraid to “Internationalize” the issue?

*imahe mula sa wikipedia

1 thought on “Scarborough stand off”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s