Trapik pa rin

Ang mabagal na daloy ng sasakyan sa Metro Manila na nagdudulot ng sobrang trapik sa kalsada ay isa sa mga kinaiinisan ng halos lahat ng naninirahan dito. Bukod kasi sa pagod na dulot nito ay naaaksaya pa ang oras ng mga biyahero. Marami na ang nanungkulan bilang chairman ng Metro Manila Development Authority ngunit wala ni isa sa kanila ang nakaresolba nito.

Matagal ko ng napapansin ang pabago-bagong sistema ng pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa Metro Manila. Nandiyan ang U-turn sa EDSA at malayong babaan at sakayan ng pasahero. Itong huli ang pinakaayaw ko. Paano ba naman kasi ay sobrang layo sa “waiting shed” na itinayo ang nauuso ngayong ibinibigay na sakayan at babaan. Kaya nga doon iyon itinayo upang maging hintayan ng mga pasahero. Sa paglipas ng panahon ay parami ng parami ang sasakyan sa Metro Manila ngunit ang kalsada naman ay walang pagbabago. Sa pagbabago ng sistema ng trapik sa Metro Manila ay hindi nito nareresolba ang problema bagkus ay naililipat lang sa ibang lugar ng kalsada. Maganda ang mithiin ng kasalukuyang chairman ng MMDA na si Atty. Francis Tolentino na tayuan ng elevated highway sa EDSA. Malaking tulong sa mga motorista ang nabanggit na proyekto ng MMDA. Isa pa sa makakatulong sa paggaan ng daloy ng trapiko sa Metro Manila ay ang extension ng LRT papuntang Bacoor, Cavite. Ang pagpapatayo ng mga bagong kalsada at inprastaktura ang pinakamagandang solusyon sa matagal ng problema sa trapiko ng Metro Manila.

Ang problema sa daloy ng trapiko sa Metro Manila ay matagal ng problema na tinitiis ng mamamayan. Ilang buhay na rin ang nawala dahil sa away sanhi ng trapiko. Kung masosolusyunan ito ay tiyak na makikinabang ang lahat. Kailan kaya? Yan ang tanong na hanggang sa huli ay malaking palaisipan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s