Pacquiao versus Bradley: Pacquiao “tinalo” ni Bradley?

Marami ang nagulat sa desisyon ng hurado sa huling laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley. Taliwas kasi ang naging desisyon sa inaasahan ng mga Pilipino at maging ng mga dayuhang manonood. Hindi lamang ang mga kababayan natin ang naniniwalang si Pacman dapat ang nanalo kundi maging ang mga mamamahayag sa ibang bansa at mismong ang promotor ng laban na si Bob Arum. Nakakahiya sa mundo ng boksing ang nasabing pangyayari ayon sa nabanggit na promotor.

Dalawa sa tatlong hurado ang nagbigay ng 115-113 iskor pabor kay Bradley samantalang sa ganoong iskor din ang ibinigay ng isang hurado pabor naman kay Pacquiao. Marami ang nanlumo sa pangyayaring ito dahil kitang-kita naman sa laban na si Manny Pacquiao talaga ang panalo. Mababasa sa mga pahayagan at internet ang ibat-ibang reaksyon at halos iisa ang kanilang paniniwala si PACQUIAO ANG TUNAY NA NANALO. Lahat ay naniniwalang si Pacquiao ang nanalo maliban sa DALAWANG HURADO. Marami tuloy ang nag-iisip ng mga negatibong bagay tulad na lamang ng hinala na game-fixing ang nangyari at pera-pera na lang ang usapan. Sa pangyayari kasing ito ay magkakaroon ng rematch sa pagitan ng dalawa at tiyak na patok na naman ang bentahan ng tiket. Kikita na naman ang promotor at mga negosyante. Sa pangyayaring ito ay ganoon pa rin kaya ang mangyayari? Marami pa ba ang manonood sa labang may bahid na ng pagdududa? Malaking kasiraan sa mundo ng boksing ang nangyari sa labang ito ni Pacquiao. Sa panahong marami ng kakumpetensya ang boksing ay hindi maglalaon ay baka tuluyang bumagsak ang popularidad nito. Talo ang lahat kapag ito ang nangyari.

Ang nabanggit na pangyayari ay isa lamang sa mga kontrobersyal na pangyayari sa larangan ng isports. Ito ay isang hamong dapat harapin ng mga namumuno sa palakasan. Hindi ito ang unang pangyayari na may nadaya o dinaya sa laban at kung hindi sosulusyunan ay mawawalan na ng interes ang tao pagdating sa palakasan. Hindi dapat pairalin ang kasakiman sa pera kundi ang pagmamahal sa isport dahil ito ay isang kayamanang higit pa sa salapi.

See related articles in English version.

Manny Pacquiao versus Timothy Bradley: Pacquiao lost via split decision
How rich is Manny Pacquiao?
Who is Manny Pacquiao?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s