Trust at Approval Rating ni PNoy nasa Pinakamababa na?

Mababasa sa mga pahayagan at internet ang mga ulat hinggil sa pagbaba ng trust at approval rating ng pangulo ng Pilipinas na si Pnoy. Ayon sa ulat ay ito na ang pinakamababang trust at approval rating ng pangulo mula ng maupo siya bilang pangulo ng Pilipinas. Tulad ng inaasahan ay bumida na naman ang mga diumano ay political analyst ng bansa at kanya-kanyang bigay ng opinyon at konklusyon.

Ang nasabing survey ay isinagawa diumano ng Pulse Asia at base sa resulta ay bumaba ng halos dalawang digit ang trust at approval rating ng pangulong Aquino. Masyadong technical ang ganitong mga survey at tila ba ay hindi ganap ma maunawaan ng pangkaraniwang mamayan ang ganitong estratehiya. Sa payak na pananalita ay nangangahulugan lamang ang resulta ng bagong survey na dumarami na sa mga Pilipino ang nababawasan ang pagtitiwala sa kakayahan ng kasalukuyang pamahalaan. Matatandaang halos lahat ng mga naging pangulo ng Pilipinas ay nagsimula sa mataas na trust at approval rating pero kalaunan ay unti-unting bumaba ito. Ang karamihan pa nga sa mga ito ay sumadsad sa negatibo ang gradong nakuha sa mga survey. Kung pagbabatayan natin ang kasaysayan ng mga survey ay masyadong mataas pa ang nakuhang rating ni PNoy ngunit ito ay isang babala na ang mga Pilipino ay nagmamasid lang at may mga pangangailangang hindi matutugunan ng pamahalaang Aquino. Mahirap maging pangulo ng bansang Pilipinas dahil sa maraming suliraning ipinamana ng mga nagdaang administrasyon. Dapat na maunawaan rin ng bawat Pilipino na kahit sino ang maupo sa Malacanang ay hindi nito basta kayang tugunan ang kanilang pangangailangan.

Ang pagbaba ng trust at approval rating ng isang pangulo ng bansa ay nangangahulugan lang na may pagkukulang. Dapat mabatid ng pamahalaan na kung gaano sila kasipag mangampanya noong panahon ng eleksyon ay dapat mas doble pa ang gawin nilang kasipagan sa paglilingkod sa bayan. Dapat tugunan ang pangako sa bawat Pilipino. Sa pagbaba ng rating ni PNoy ay dapat mas sipagan nito ang  pagtatrabaho upang muli ay pumaimbulog pataas ang kanyang rating.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s