Bawal ang “Plastik”

Tila ba ay nauuso na ang pagbabawal sa paggamit ng plastic bag sa Pilipinas. Matatandaang ilang lungsod na sa Metro Manila ang nagpasa ng ordinansa laban sa paggamit nito. Sinasabing ang mga basurang plastic diumano ang dahilan kung bakit nagiging barado ang mga kanal o drainage system ng Metro Manila kung kayat madalas ay binabaha ito. Hindi lang sa Metro Manila may ganitong panukala kundi sa mga kalapit na probinsya at di maglalaon ay gagayahin na rin ng iba pang lungsod at bayan sa buong Pilipinas upang magmukhang “maka-kalikasan”.

Ano nga ba ang dahilan ng madalas na  pagbaha sa Metro Manila at may kinalaman ba talaga ang mga plastic bag na ito? Tila ba ay sa mga plastic na lang isinisis ng mga lokal na pamahalaan ang pagbaha gayung hindi naman talaga ito ang tunay na dahilan. Ang totoong sanhi ng pagbaha ay ang pagwaldas ng pera ng bayan dahilan upang hindi maging maayos ang pagkakagawa ng mga drainage system. Madalas kasi ay tinitipid ang budget sa paggawa ng mga proyekto upang may maibulsa ang mga pulitiko at contractor. Ang plastic bag ay mahalagang imbensyon at kagamitan. Kahit noon pa man ay pinapakinabangan na ito ng mga tao at walang alternatibo ang pwedeng ipalit dito. Sa ibang mauunlad na bansa sa Europa at Amerika ay hindi naman ito ipinapagbawal at mas lalong hindi ito ang sanhi ng pagbaha. Wala tayong mababalitaang baha sa Paris, London, Berlin, Rome at iba pang mauunlad na lungsod kahit gumagamit ng mga plastic bag ang tao doon dahil sa maayos ang kanilang drainage system. Sa pagbabawal ng plastic bag ay parang gumagawa lang ng panibagong suliranin ang pamahalaang lokal. Marami ang maaapektuhan nitong kabuhayan samantalang nandiyan pa rin ang baha na sinasabing mababawasan kapag ipinagbawal ang plastic. Kung totoong epektibo ang nabanggit na solusyon ay bakit noon pa man ay hindi na ito ipinagbawal maging sa ibang bansa.

Hindi solusyon sa baha ang pagbabawal sa paggamit ng mga plastic bag. Ang pagsasaayos ng mga drainage system ng bansa at wastong pagtatapon ng basura ang siyang pinakamainam na solusyon. Mayroon na ring makabagong teknolohiya na isinasagawa upang ang mga plastic bag ay mapabilis ang pagkabulok. Mag-isip sana ng maayos ang mga pinuno ng lokal na pamahalaan upang makaisip sila ng mabuting pamamaraan at hindi gaya-gaya lang.

See related articles in English version.

Plastic bag ban in Manila
Biodegradable Plastic Bag

3 thoughts on “Bawal ang “Plastik””

  1. ..grbi nga ung epk2 pgkwla ng plastic,sa 2wing mamimili hrap kya lalo,na pg umuulan,kc dman gnun ktbay ung,mga paper bag na pnlt sa plastic,tpz ung ibng pmlhan,cnsb nid na mgdala,ng srlng lalgyan ang,mga mamimili,tpz anjn din pngbebnta ng iba ung mga bags so,lugi ung mamimili dba dpt ngprovide manlang cla ng,maaus at mtbay na lagayan ..

  2. dito s manila.. hindi naman ordinasang “Bawal ang plastic” ang pinatutupad.. kundi, Overprice plastic for Sale ordinance.
    kapag bumili ka sa SM,, mercury drug, ministo, 7-11 sa QC. wala silang paper bag, ibebenta sa u ng 2 pesos ang maliit nilang plastic… kung di ka bibili,.. BITBITIN MO..

    kung bawal talaga ang plastic, dapat gumamit sila ng alternatibong paraan gaya ng Paper bag o (supot ng pandesal).

    2pesos na plastic ay uri ng Pananamantala…😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s