Koko Pimentel versus Miguel Zubiri sa Isyung Dayaan

Mainit ang bangayan ngayon sa pagitan ng kampo ni Sen. Koko Pimentel at dating senador Miguel Zubiri. Ang isyu ay dahil sa pagkakasama ng pangalan ni Zubiri sa listahan ng pambato United Nationalist Alliance na kung saan ay kabilang si Koko Pimentel. Hindi matanggap ng huli na makakasama niya ang taong nakinabang sa pandaraya sa loob ng halos apat na taon sa posisyong dapat ay sa kanya ng buo. Si Miguel Zubiri at Koko Pimentel ang nagtagisan noon sa huling pwesto sa senado ngunit nanaig ang una sanhi ng ginawang pandaraya ng boto sa Maguindanao. Inamin ni Miguel Zubiri na kaya siya nagbitiw ay dahil sa pandaraya ng resulta sa botohan sa Maguindanao.

Ganap ngang nakinabang si Zubiri sa pagkakadaya kay Koko Pimentel. Ang tanong dito ay kung alam ba ni Zubiri noong una pa lamang na kaya siya nanalo ay dahil sa pagmamanipula ng resulta ng eleksyon sa Maguindanao? Bilang kasama sa partido ng dating Pangulong Arroyo ay naniniwala akong noon pa man ay alam na niya na may pandarayang nangyari. Ang malaking katanungan dito ay BAKIT KUNG KAILAN MATATAPOS NA ANG TERMINO ay saka siya nagbitiw sa pwesto. Maliwanag lamang na ang kanyang pagbibitiw ay isang “political gimik” at nagnanais na makakuha ng simpatiya mula sa mga tao. Ang pulitika sa Pilipinas ay punong-puno ng kasinungalingan at pandaraya. Minsan ang pulitikong nakikita mo bilang isang malinis at huwaran ay kabilang din pala sa hanay ng masasamang pulitiko. Ang nangyari sa pagkakadaya kay Koko Pimentel ay isa lamang sa mga masalimuot na pangyayari sa larangan ng pulitika sa bansa. Tama lang ang ginawa ni Koko Pimentel na huwag sumama sa isang partido na makakasama niya ang nakinabang sa pagkakadaya sa kanya. Ito ay pagpapakita na seryoso siya na labanan ang pandaraya. Bakit hindi na lamang siya sumama sa Partido Liberal ni Pangulong Aquino na kung saan ay kahanay rin ng kanyang adbokasiya? Sa panig naman ni Zubiri ay dapat niyang ipaliwanag sa publiko ang mga isyung kinasangkutan niya. Dapat niyang ipaunawa na wala siyang direktang kinalaman sa pandaraya. Maari niyang sabihin na siya man ay biktima lang din ng pagkakataon. Sa ganitong paraan ay malilinis ang pangalan niya at mataas ang tsansang manalo siya sa susunod na eleksyon sa malinis na paraan.

Ang pandaraya sa eleksyon ay pandaraya sa buong bansa. Ito ay isang napakalaking kasalanan sa Diyos, sa mga tao at sa Bayan. Ang nanalong pulitiko dahil sa pandaraya ay maihahalintulad sa taong bumili ng medalya para sa sarili. Sana sa susunod na eleksyon ay wala nang katulad na pangyayari sa pagitan ni Koko Pimentel at Miguel Zubiri. Sana ay matalinong bumoto ang mga Pilipino.

1 thought on “Koko Pimentel versus Miguel Zubiri sa Isyung Dayaan”

  1. zubiri is a shrewed politician. after serving a term he does not deserve, after sen. joker aroyo and the senate electorial tribunal helped him stay, he only resigned after he knew he could no longer stay and be booted out. no amount of perfect attendance, relevant advocacies, pogi points will erase the fact that he cheated, not only pimentel but the whole country.. .. let us improve our electoral processes.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s