Maagang Pangangampanya, Maagang Pamumulitika

Malayo pa ang eleksyon pero ramdam na ang maagang pangangampanya ng mga pulitiko. Ibat-ibang gimik ang isinasagawa ng mga nangangarap na maupo sa pwesto sa pamahalaan. Nandiyan ang nagkalat na mga tarpaulin ng pagbati, commercial sa telebisyon, pahayagan, at radyo, at iba pang tradisyunal na pamamaraan. Hindi rin maiiwasan ang bangayan ng mga pulitiko tulad na lang halimbawa sa pagitan nina Koko Pimentel at Miguel Zubiri.

Kapansin-pansin na malayo pa ang pambansa at lokal na eleksyon ay pinaghahandaan na ito ng mga pulitiko. Nangingibabaw rin sa listahan ng mga nagbabalak na tumakbo ang mga kung tawagin ay trapo. Sila ang mga taong matagal na sa pwesto pero walang nagagawang kabutihan para sa bayan at bagkus ay nagiging pasakit pa. Kung titingnan ang mga pangalan ng kasalukuyan at nakaraang pinuno ng bansang Pilipinas ay halos iisa ang kanilang baybay. Sa Pilipinas kasi ay mas higit na tinitingala ang popularidad ng pangalan bilang isang batayan sa pagpili ng mga mamamayan sa lider na ihahalal. Hindi ko tuloy masisi ang ilang nag-aambisyon sa kanilang maagang pangangampanya. Sa ganitong paraan lang kasi maaring maging patas ang laban lalo na kung di kilala ang pangalan. Sa usaping legal ay masasabing hindi isang uri ng maagang pangangampanya ang pagpapalabas ng mga patalastas dahil ayon mismo sa Comelec ay di pa naman ito tuwirang nagdedeklara na tatakbo sa susunod na eleksyon sa anumang posisyon sa gobyerno. Pero sa mata ng bawat tao ay isa itong uri ng panlalamang sa mga katunggali.

Ang pagbabago ay nagsisimula sa bawat tao. Kung magiging mapanuri lang ang bawat Pilipino at hindi ang kasikatan ang gagawin nilang basehan sa pagluklok ng pinuno sa pamahalaan ay marahil hindi na mangangampanya ng maaga ang ilan nating pulitiko. Ang pagpili ng mga lider ng bansa ay isang obligasyon ng bawat Pilipino. Sa gagawing pag-boto ay mahalagang alamin at suriin ang pagkatao ng mga pipiliing kandidato.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s