PCOS sa Eleksyon 2013

Pinahintulutan na ng Korte Suprema ang Comelec sa pagbili ng PCOS machine ng Smartmatic sa desisyon nitong 11-3 pabor sa nasabing hakbang. Ang mga bumotong pabor sa nasabing hakbang ay sina Acting Chief Justice Antonio Carpio, at Associate Justices Diosdado Peralta, Presbitero Velasco Jr., Teresita Leonardo de Castro, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Roberto Abad, Jose Perez, Jose Mendoza, Maria Lourdes Sereno at Bienvenido Reyes samantalang kumontra naman sina Associate Justices Martin Villarama, Arturo Brion at Estela Perlas-Bernabe.

Ang nasabing mga PCOS machine ay gagamitin sa nalalapit na 2013 lokal at nasyonal eleksyon. Matatandaang nitong huling halalan ay ginamit din ang nasabing makina sa pagbilang ng mga boto.

Marami ang tumututol sa nasabing hakbang ng Comelec. Ayon sa kanila ay walang nangyaring maayos na “bidding” at nangangamba naman ang ilan na maaring ma-hack daw ang buong sistema ng nasabing PCOS machine na maaaring maging sanhi ng malawakang pandaraya. May nagsabi pang epekto diumano ito ng pagkaka-impeach kay dating Chief Justice Renato Corona at mistulang nawalan ng tapang ang mga huwes para manindigan laban sa nasabing hakbangin. Matatandaang nitong nakaraang eleksyon ay ibat-ibang problema ang naranasan ng ilan sa paggamit ng nasabing makina. Sa kabilang banda ay marami naman ang natuwa dahil hindi naman lingid sa lahat na higit na naging mabilis ang resulta ng bilangan kumpara sa manu-mano. Nangako ang Comelec na magiging maayos ang lahat. Ang Smartmatic naman sa pangunguna ni Cesar Flores ay nagsabing tama, epektibo, at ligtas sa anumang pandaraya ang sistemang ginamit ng PCOS machine. Naniniwala rin siya na ito ang pinakamainam na gawin upang maipagpatuloy ang naumpisahang computerized election.

Maghahain ng Motion for Reconsideration ang mga kontra sa nabanggit na panukala bagamat naniniwala sila na suntok sa buwan ang posibilidad na maaaring mabaliktad pa ang desisyon. Para naman sa Comelec ay mas mabuti ang maagang desisyon dahil magkakaroon sila ng mahabang panahon para mas higit na mapabuti ang kanilang mga hakbang.

Sa aking pananaw ay tama lang na ipagpatuloy ang computerized election. Bilang isang mamamayan ay naging saksi ako kung paano naging mabilis ang bilangan at naiwasan ang mga pandaraya. Totoong hindi perpekto ang mga makina pero mas lalong hindi perpekto ang mga tao. Mahirap manipulahin ang isang sistema o computer. Kung sa Amerika nga na mas magagaling sa Computer at Information Technology ay hindi naha-hack ay bakit ba tayo mangangamba na mangyayari ito sa atin? Malinis ang pamunuan ng Comelec sa pangunguna ni Chairman Sixto Brillantes at naniniwala ako sa kakayahan niya na magiging matagumpay ang susunod n eleksyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s