Happy Father’s Day!

Ngayong Araw nga ay ipinagdiriwang ang Father’s Day o Araw ng mga Tatay. Sa ibang bansa ay sa ibang petsa ito ipinagdiriwang pero dito sa Pilipinas ito ay ginugunita tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo. Ang Father’s Day ay ipinagdiriwang bilang pag-alala sa kadakilaan, pagmamahal at ambag na binibigay ng mga ama sa lipunan.

Sa Pilipinas ay hindi ito isang opisyal na piyesta pero ginugunita ito ng nakakaraming Pilipino. Ipinagdiriwang ito ng katulad sa isang pangkaraniwang araw pero may pagbati. Ang iba ay naghahanda ng mga lutuin bilang pagpupugay sa kanilang mahal na ama. Ang iba namang nakakaginhawa sa buhay ay lumalabas kasama ang kanilang ama upang doon ito ipagdiwang. Kapansin-pansin rin na tuwing sumasapit ang araw na nabanggit ay ang paglabas ng mga lathalain ukol sa Father’s Day sa mga dyaryo at magazines. Sa mga radyo naman ay nagiging paksa ito ng mga usapan o talk show. Sa telebisyon ay may mga palabas naman na ukol para sa pagdiriwang na ito. Bilang pagbubugay ay nagdadaos naman ng “discounted sale” ang mga mall at iba pang establisemento.

Narito ang ilan sa mga winika ng mga sikat at dakilang tao na nauugnay sa Father’s Day.

“It is easier for a father to have children than to children to have real father.” -Pope John XXIII

“It is much easier to become a father than to be one.” -Kent Nerburn, US Author and Educator

“The most important thing a father can do to his children is to love their mother.” -Theodore Hesburgh, Catholic Priest and President Emeritus of University of Notre Dame.

Mahalaga ang pagdiriwang ng Father’s Day dahil sa araw na ito ay ipinagdiriwang at inaalala ang kabutihan at kabayanihan ng mga ama. Ang mga tatay ay may mahalagang papel na ginagampanan sa lipunan. Sa lahat ng kanilang sakripisyo at kadakilaan, anuman ang tawag mo sa kanila: Daddy, Dad, Tatay, Amang, Papa, Pa, ay marapat lamang na batiin natin sila ng Happy Father’s Day!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s