Ang Paglaganap ng HIV/AIDS sa Pilipinas

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang tungkol sa HIV/AIDS. Ang HIV ay ang virus na nagiging sanhi ng AIDS at ang karamdamang ito ay wala pa ring lunas hanggang sa kasalukuyan sa kabila ng masigasig na pagsisiyasat ng mga siyentipiko sa mundo. Ang AIDS ay naililipat sa kapwa sa pamamagitan ng pagsasalin ng kontaminadong dugo, pagbubuntis ng ina na may AIDS at kadalasan ay sa pagtatalik. Ang pagtatalik ng hindi ligtas ay ang pinakamadalas na pagkakahawa sa sakit na AIDS.

Mahigit sa milyong katao ang namamatay sa sakit na AIDS taun-taon at kabilang sa datos na iyon ang mga Pulipino. Ayon sa isang ulat sa pahayagan, pababa ng pababa ang edad ng mga nagpopositibo sa HIV. Sa katunayan sa bagong datos ng DOH ay karamihan sa mga ito ay kabataan. Isa sa itinuturong dahilan ng paglaganap ng sakit na ito ay ang maagang pagkamulat ng mga kabataan sa isyu ng sex. Madalas bago pa man sumapit sa edad na 25 ay karamihan sa kabataang Pilipino ay nakatikim na ng sex. Pero batay sa isang ulat, ang nasabing pakikipagtalik ay hindi ligtas dahil ang mga lalaki ay hindi gumagamit ng kondom. Lumalabas na hindi epektibo ang kasalukuyang pamamaraan ng Department of Health. Hindi kasi ganap ang paglaban ng DOH sa sakit na ito dahil sa madalas na pagkontra ng simbahan. Isang halimbawa nito ay ang pamamahagi ng kondom na madalas tutulan at batikusin ng mga taong simbahan. Isa pa sa maaring makatulong sana upang labanan ang patuloy na paglaganap ng sakit ay ang pagsasabatas ng Reproductive Health Bill pero katulad ng una ay mahigpit rin itong tinututulan ng simbahan. Paano nga ba makakaiwas sa sakit na AIDS? Isa sa pinakamainam na paraan ay ang pagiging monogamous o tapat sa asawa o kasintahan. Mas makabubuti rin na iiwas ang mga kabataan na tangkilikin ang mga “bayarang babae”. Madalas ay dito unang nakakaranas ng sex ang isang nagbibinatang lalaki dala ng “pressure” sa kanyang tropa o barkada. Kung hindi makakaiwas ay mas makabubuting turuan sila sa wastong pamamaraan ng pag-iingat sa mga sakit na naililipat sa pakikipagtalik.

Moderno na nga ang panahon ngayon at hindi na nakakagulat kung makarinig ka ng edad labindalawa ay nakaranas na ng sex. Ngunit ang sakit na AIDS ay isang banta sa buhay na hindi lang nakakagulat kundi nakakamatay. Kailan pa ba kikilos ang pamahalaan upang labanan ang sakit na ito? Kung hindi lulubusin ang paglaban ngayon ay baka huli na bukas.

1 thought on “Ang Paglaganap ng HIV/AIDS sa Pilipinas”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s