Fixed Salary sa mga Bus Driver

Simula na sa unang araw ng Hulyo ang pagpapatupad ng Department of Labor sa “fixed salary” ng lahat ng drayber ng bus. Matatandaang ilang beses ng nasasangkot sa disgrasya at aksidente ang mga bus sa bansa dahil sa kasalukuyang sistema na kung saan ay “porsyentuhan” ang pasahod sa mga ito. Sa porsyentuhang pasahod ay kumikita ang mga drayber base sa kabuuang kita ng pamamasada ng bus sa buong araw. Ibig sabihin kapag malaki ang kinita sa loob ng isang araw ay malaki rin ang iuuwi nitong sahod sa loob ng araw na iyon.

Isa sa itinuturong dahilan ng madalas na aksidente sa kalsada partikular sa EDSA ang diumano ay pag-uunahan ng mga bus sa pasahero. Dahil nga sa porsyentuhan ang kanilang sahod ay hindi maiiwasan na ang mga ito ay mag-unahan sapagkat nakadepende rito ang kanilang kakainin sa araw-araw. Maganda ang naisipang ito ng Department of Labor and Employment. Sa fixed salary o buwanang sahod ng mga bus drayber ay maiiwasan na ang pag-uunahan nila sa pagdampot ng mga pasahero. Inaasahang magiging maluwag din ang daloy ng trapiko dahil ang mga bus ay hindi na makakasagabal sa EDSA sanhi ng kanilang matagal at palagiang pagtigil upang makarami ng pasahero. Sa kabilang banda ay nangangamba naman ang mga may-ari ng kumpanya ng bus dahil posible diumano na ito’y ikalugi ng kanilang negosyo. Inaalala kasi nila na dahil sa porsyentuhan na ang pasahod sa mga drayber ay mawala ang pagiging masigasig nito. Dahil nga sa buwanang sahod at walang epekto sa sweldo anuman ang kitain ng bus ay maaaring maging kampante ang mga ito. May punto rin ang mga negosyante. Talamak na kasi sa ugaling Pilipino ang walang pakialam sa trabaho. Ang iba ay masipag lang sa una pero habang tumatagal sa serbisyo ay nagiging tamad na. Gayunpaman ay dapat sundin ng mga kumpanya ng bus ang kautusan ng DOLE. Subukan muna nila ito at saka na umangal kapag may basehan na sila bukod sa mga agam-agam. Maraming paraan upang maging masigasig pa rin ang kanilang mga empleyado. Isa na rito ay ang pagbibigay ng pabuya at dagdag na benepisyo para dun sa mga nananatiling masipag at masigasig.

Ang pagpapatupad sa fixed salary ng mga drayber ng bus ay isa sa mga solusyon para mabawasan ang mga aksidente sa kalsada. Tulad ng inaasahan ay may mga agam-agam sa pagpapatupad nito hindi lang sa may-ari ng kumpanya kundi sa mga drayber din. Mas makabubuting subukan muna ito. Malay natin, karamihan pala ay makikinabang dito. Kung hindi naman ay maari namang bumalik ulit sa lumang sistema.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s