Pagbabawal sa “PANANAMPALATAYA” sa Pamahalaan, Sang-ayon ka ba?

Isang batas ang ipinapanukala ng Kabataan Party-list sa pangunguna ni Rep. Raymond Palatino na nagbabawal sa anumang religious ceremony, symbol o icon sa opisina ng pamahalaan. Katwiran ni Palatino, ang mga nasa pamahalaan ay dapat na maglingkod sa bayan at hindi upang ipalaganap ang kanilang paniniwala sa relihiyon. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may ibat-ibang relihiyon na minsan ay nagiging sanhi ng di pagkakaunawaan.

Tulad ng inaasahan ay samut-saring reaksyon mula sa publiko ang tinatanggap ng nasabing panukala. May mga pabor ngunit karamihan ay hindi pabor sa nasabing panukalang batas. May mga nagsasabing bahagi na ng kultura ng Pilipinas bilang isang Katolikong bansa ang paglalagay ng mga religious items at seremonya. Ang ilan naman ay nagsasabing “ang daming batas na pwedeng gawin ba’t iyon pa”. Ang katwiran naman ng mga pabor ay tama lang iyon dahil minsan nasasayang ang oras sa pagsasagawa ng mga religious ceremonies. Dagdag pa nila ay hindi naman Diyos ang ipinagbabawal kundi ang mga gawain lamang. Isinasaad din diumano sa Saligang Batas ng Pilipinas ang tinatawag na “separation of church and state”. Sa probisyong ito ay malinaw na ang pamahalaan ay hindi dapat nakikialam sa mga bagay na may kinalaman ang simbahan at gayundin ang simbahan na hindi dapat pinapakialaman ang polisiy ng gobyerno.

Bilang isang mamamayang Pilipino ay pabor ako sinasabing panukalang batas. Ang pagsasagawa kasi ng mga pangrelihiyong seremonya sa isang pampublikong lugar gaya ng opisina at pamahalaan ay nagiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan. Isang halimbawa na lamang nito ay noong panahong nag-aaral pa ako sa sekondarya at elementarya. Dahil sa pagtuturo ng Katesismo sa mga estudyante ay napipilitan ang iba kong kaklase na hindi Katoliko na lumabas sa silid-aralan. Nagmimistula silang naiiba sa grupo ng mga estudyante. Kung minsan naman kapag nagkataong panghuling asignatura ang Katesismo ay maaga silang pinapauwi at kung hindi naman ay may ibang bagay na ipinapagawa. Kapag nagsasagawa rin ng Misa ang mga Katoliko sa opisina ng gobyerno ay nasasayang naman ang oras n dapat iukol sa mga hindi kapanalig ng nasabing relihiyon dahil sa halip na paglingkuran sila ay nagsisimba ang mga ito. Bahagi na kasi ng patakaran ng isang opisina ng pamahalaan ang magsagawa ng Misa tuwing unang Biyernes o Miyerkules ng buwan.

Ang relihiyon ay bahagi na ng buhay ng mga tao lalo na ng mga Pilipino. Ito ay isang bagay na hindi maiwawaglit sa buhay ng tao. Ngunit dapat na hindi ito maging dahilan ng pagkakawatak-watak ng mga Pilipino. Mas makabubuting isapribado na lang ang gagawing pagsamba at pagpapahayag ng pananampalataya upang nang sa gayon ay hindi maapektuhan ang ibang taong hindi kaanib sa relihiyon. Wala akong nakikitang masama kung isasakatuparan ang nasabing batas. Mas mapapangalagaan pa nga nito ang pananampalataya at paniniwala ng bawat tao lalo na ang mga nasa “minority”.

2 thoughts on “Pagbabawal sa “PANANAMPALATAYA” sa Pamahalaan, Sang-ayon ka ba?”

  1. Binawi na ni Rep. Palatino ang panukalang ito. Sayang nga eh. Ganda pa naman at may sense. Ikaw na 85% ng mga Pilipino Katoliko, talagang hindi ito makakakuha ng boto.

    May comment lang ako sa title mo Sir/Mam, “Pagbabawal sa Pananampalataya” – ang pag-unawa ko hindi naman ipinagbabawal ang pananampalataya per se kungdi iyon mga religious rites at images ng isang pananampalata na madisplay sa mga public offices. Para namang title sa yahoo.com ito “ban-God”.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s